Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mang Ben Farrales pumanaw; Fashion industry nagluksa

NAKALULUNGKOT na balita na wala na si Mang Ben Farrales, ang itinuturing na dekano ng mga couturier na Filipino. Bagama’t sinasabing ang talagang nagpasikat ng ternong Pilipino para magamit sa mga formal occasions ay ang mas naunang si Mang Ramon Valera, hindi maikakailang malaki ang ginawang mga pagbabago ni Mang Ben   na nagpasikat sa ternong Pilipino maging sa abroad.

Lahat halos ng mga sikat na aktres noong araw, gaya nina Amalia Fuentes na naging modelo pa ni Mang Ben, si Susan Roces, at maging ang mga nauna pang sina Gloria RomeroRosa Rosal, at maging si Carmen Rosales ay ipinagmamalaking ang suot nilang gown ay gawa ni Mang Ben. May panahon kasi na kung ang gown mo ay hindi gawa ni Mang Ben, o Pitoy Moreno, at iba pang kasabayan nila, hindi ka sosyal.

Lahat halos ng mga ternong isinusuot ng dating unang ginang Imelda Marcos ay gawa ni Mang Ben, at sinasabi ngang lahat ng mga first ladies simula pa noong dekada 50, nagpagawa ng terno kay Mang Ben.

Ipinagluluksa ng fashion industry at showbusiness din ang pagpanaw ni Mang Ben noong Sabado ng hapon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …