Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ellen ‘di pa tiyak na pakakasalan ni Derek

I  will have the last laugh because one day I am getting married,” sabi ni Derek Ramsay. Iyan ang kanyang naging sagot doon sa mga nagsasabing naglalaro lang siya at hindi naging seryoso sa kanyang love affairs. Sinasabi nga nila na ang mga love affair ni Derek ay ”puro fling lamang.”

Pero sa sinabi niyang iyan, mahirap namang basta husgahan agad pero sa tono niya, hindi pa rin si Ellen Adarna ang seseryosohin niya, kasi ang sinasabi niya ”darating din ang araw na mag-aasawa na ako.”

Hindi rin iyan katiyakan, sabi nga ng ilang netizens, ”dahil hindi ba pinakasalan niya noon si Mary Christine Jolly pero nagkahiwalay din naman sila kahit na nga mayroon na rin silang isang anak?  Kaya ang pagkakaroon ng anak ay hindi rin assurance na habang panahon na nga ang relasyon ni Derek.”

Kung sa bagay, hindi mo rin naman maaaring sabihin na habang panahon na rin siya para kay Ellen. Noon ang akala nila ay talagang desidido na si Ellen nang maging syota niya si Pulong Duterte. Maski si Presidente Digong nagparinig na hindi na umuuwi sa bahay si Pulong dahil nagbababad kay Ellen. Hindi nagtagal nawala rin. Sabi nila baka talagang fling lang. Sumunod naman si John Lloyd Cruz, na tumalikod pa sa kanyang career at nanirahan kasama si Ellen sa Cebu. Nagkaroon na sila ng anak, kaya ang sinasabi ng mga tao, baka iyan na nga ang forever ni Ellen, pero hindi pa rin pala. Ngayon pumasok naman si Derek, at hanggang kailan nga ba iyan?

Siguro naman totoong mag-aasawa rin si Derek pagdating ng araw, harinawang huwag na niyang hintayin na maging DOM na muna siya bago siya mag-asawa. Pero kailan nga ba magiging seryoso sa kanyang lovelife si Derek?

Noon naniwala ang mga tao na baka nga habam­buhay na sila ni Angelica Pangani­ban. Isipin ninyong limang taon din naman silang nagsama. Kaso nagbago pa ang isip ni Derek. Nakilala naman niya si Andrea Torres na mahirap ikailang naka-live in din niya. Hindi ba’t noon sinasabi niyang kasama si Andrea sa mga plano niya sa ipinatatayong bagong bahay, pero wala rin.

Ngayon naman kaya si Ellen, hanggang kalian?

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …