Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Guesting ni Arjo ‘di susuportahan (AlDub may banta kay Maine)

ANO nga kaya ang mangyayari sa banta ng AlDub na hindi sila manonood at matutulog na lang oras na ipalabas ang sitcom ni Maine Mendoza na guest niya ang kanyang boyfriend na si Arjo Atayde?  Kung totoo ngang gagawin iyan ng AlDub nation, tiyak na apektado ang audience share ng sitcom nila. Mabuti nga kung matutulog na lang sila, eh kung manood pa sila sa kalabang show, mas malabo ang dating.

May isang katotohanan na kailangan nating tanggapin, hindi nakakuha ng popular support ang relasyon nina  Maine at Arjo, kasi karamihan ng fans ni Maine ay AlDub at nakasuporta kay Alden Richards. Si Arjo naman ay isang actor na hindi nagkaroon ng isang malaking hukbo ng fans para suportahan ang kanyang career.

Mukha ngang kung magkakaroon ng isang project na silang dalawa ang pagsasamahin, mahihirapan silamg makakuha ng popular support. Malalaman natin iyan pagkatapos na mailabas ang sitcom nila. Kung sa bagay si Vic Sotto naman ang sinasabing nagdadala niyon, pero malaking bahagi talaga ng audience iyong AlDub.

Iyang AlDub, lalo na noong kainitan ng love team nina Maine at Alden, talagang sobra ang dami kaya nga ang tindi ng ratings noon ng Eat Bulaga, na para ngang wala nang nanonood sa ibang shows. Noong masira nga ang love team, at matapos na aminin ni Maine ang relasyon nila ni Arjo, nanlamig iyong AlDub, marami rin ang nawalang fans, medyo nabawasan na nga ang audience share nila.

Malalaman natin kung ano nga ang kahihinatnan ng pagiging guest ni Arjo sa sitcom nina Maine.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …