Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Covid-19 positive

LECQ sa 55 barangays sa Pasay City

UMABOT sa 95 households na tinamaan ng coronavirus o CoVid-19 sa 55 bbarangay na isinailalim sa localized enhanced community quaratine nang tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa CoVid-19 sa lungsod ng Pasay.

Sinasabing nagkahawaan ang nasa 95 kabahayaan na apektado ng CoVid-19 sa 55 barangays kaya inaalam kung bagong variant ito dahil sa bilis ng transmission.

Sa impormasyon ng Public Information Office chief (PIO) Jun Burgos, inilinaw nito na hindi lockdown ang termino kundi localized enhanced community quarantine per househould dahil pawang magkakasama sa bahay ang nangyaring hawaan ng sakit.

Base sa ulat ni Pasay City Epidemiology and Surveiilance Unit (CESU) Head Miko Llorca, kabilang sa LECQ ang barangay 28, 29, 32, 40, 57, 58, 66, 68, 71, 76, 81, 95, 98, 100, 107, 109, 118, 122, 132, 135, 136, 143, 155, 156, 159, 162, 175, 177, 178, 183, 190, 192, 201, 171, 7, 8, 14, 20, 26, 36, 51, 59, 65, 74, 90, 96, 99, 110, 111, 116, 131, 161, 188, 193, at 194.

Binubuo ng 201 barangays ang lungsod sa loob ng 20 zona at 2 distrito.

Itinaas sa 55 barangays mula sa 34 barangays kamakalawa ang isinailalim sa LECQ na ibinatay sa tatlong bilang ng kaso pataas.

Sa Barangay 183, sinabi ni Kagawad Richard Torrico, may 25 kaso na nasa 12-13 pamilya na halos magkakamag-anak ang kanilang barangay na pawang inilipat na sa isolation facility.

Dalawa naman ang naka-home quarantine na isang senior citizen at isang buntis.

Kabilang sa nagpo­sitibo ang isang 4-buwang gulang na sanggol at ina nito na asymptomatic.

Kahapon magka­tu­wang ang mga kinatawan ng CESU at Pasay PNP sa pag-inspeksiyon sa Barangay 183 kung saan naitala ang malaking bilang ng nagpositibo sa virus upang alamin kung nasusunod ang itinakdang health protocol ng IATF.

(JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …