Saturday , November 16 2024

Nograles ‘gumiling’ sa TikTok para sa CoVid-19 vaccine campaign

MISTULANG ‘bulateng inasinan’ ang isang Palace official sa pagsasayaw sa 20-segundong video  na ini-upload sa social networking platform TikTok para i-promote ang CoVid-19 vaccine program ng administrasyong Duterte.

Nakangiti at naka­nganga si Cabinet Secretary at Inter-Agency Task Force  (IATF) on Emerging Infectious Diseases co-chairman Karlo Nograles habang gumigiling ang katawan sa indak ng tugtog sa TikTok habang lumalabas onscreen para mabasa ng netizens ang mensaheng nais niyang ipabatid sa publiko.

“Libre ba ang CoVID-19 vaccine?

Sagot po ng gobyerno ang bakuna ng mga nasa priorioty groups.

Group A: health workers, all senior citizens, persons with comorbidities, frontline workers,  uniformed personnel, indigent population

Group B: other frontline workers and special population.

Group C: remaining population

“Patuloy ang ating negosasyon sa manufacturers upang masigurong may sapat na supply ng bakuna para sa lahat.”

Bagama’t seryoso ang mensaheng nais ipabatid ni Nograles sa madla, marami ang natawa at tumaas ang kilay sa paraan na kanyang ginamit dahil puwede naman niyang idaan ang impormasyon sa bakuna sa isang virtual press briefing.

Naging pamoso sa mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hilig sa pagsasayaw ni Nograles at paggamit ng TikTok.

Naging bahagi rin siya ng isang pang-umagang programa sa state-run PTV-4 na may segment na nagsasayaw ang lahat ng host sa pangunguna ni Nograles na mismong choreographer.

Matutunghayan ang mga video ni Nograles sa kanyang social media accounts.

Noong Disyembre 2020, ipinagbawal sa mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) ang pag-post ng anomang video sa TikTok habang suot ang kanilang uniporme.

“Our policy on the wearing of the BI uniform is clear. As public servants and supposed model Filipinos, employees must proudly wear their uniform at all times, present a professional image to the public and observe proper decorum and good taste in all their actions while they are on duty,” sabi ni BI Commissioner Jaime Morente sa isang statement.

Nagbabala si Morente sa mga empleyado na lalabag sa kautusan na sasampahan ng kasong administratibo gaya ng insubordination at conduct prejudicial to the interest of the service.

Habang isang Pinay overseas worker sa Jeddah, Saudi Arabia ang tinanggal sa trabaho dahil sa pagsusuot ng uniporme habang nagsasayaw sa video sa TikTok.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *