Thursday , June 4 2026

Pagdating ng CoVid-19 vaccine no power interruption — Isko

NAKATAKDANG makipag-ugnayan sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Manila Electric Company (Meralco) upang masiguro na walang magaganap na power interruption sa storage facility na paglalagakan ng CoVid-19 vaccine.

Iatasan ni Moreno si City Engineer Armand Andres para siguruhin sa Meralco ang maayos na supply ng koryente para mapanatili ang tempe­ratura ng storage at ang bisa ng vaccines.

Tiniyak ng alkalde, ang CoVid-19 vaccine storage facility  sa Sta. Ana Hospital ay may kakakayahang mai-accommodate, ang lahat ng klase ng bakuna.

Kasabay nito, muling hinikayat ni Moreno ang publiko na magparehistro sa https://manilacovid19vaccine.com.

Sa ulat, umabot sa 89,000 ang nagpaparehistro para mabigyan ng libreng bakuna.

(BRIAN BILASANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …