Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Johannes at Miko walang away

PINABULAANAN ni Bidaman Johannes Rissler ang tsikang magkaaway sila ng kapwa niya Bidaman na si Miko Gallardo.

Totoong may times na hindi sila nagkakaintindihan o nagkakasamaan ng loob pero hindi ito umabot o humantong sa pag-aaway dahil inaayos na nila kaagad sa tulong ng kanilang management.

Bukod sa wala sa bokabolaryo ni Bidaman Johannes ang mang-away, mas gusto niyang mag-focus sa mga positibong bagay at iwasan ang mga negatibo sa paligid.

Masaya nga ito dahil pagpasok pa lang ng 2021 ay sunod-sunod ang magagandang proyekto.

Kuwento nito, kapipirma pa lang niya ng two year contract sa Regal Films with 12 movies.

Hindi pa napag-uusapan kung ano ang unang gagawin niya sa Regal pero kasama siya sa B & J Forever gayundin sa Soul Sister with Karla Estrada, Melai Cantiveros, Jolina Magdangal, Thou Reyes, Jhai Ho atbp. na idinirehe ni Easy Ferrer.

Sobra nga ang pasasalamat nito sa kanyang management, ang Mannix Carancho Artist and Talent Management  ni  Mannix Carancho ng Prestige International at ni Amanda Salas sa pagbibigay sa kanya ng magagandang proyekto.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …