Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pasay City CoVid-19 vaccine

Pasay City kasado sa bakuna

TINIYAK ng Pasay city government na nakahanda sila para magsagawa ng malawakang pagbabakuna sa kanilang lungsod sa sandaling dumating ang mga bakuna laban sa CoVid-19 na binili mula sa AstraZeneca.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano noong Setyembre pa ng nakaraang taon ay naglaan na sila ng pondo para ipambili ng bakuna sakaling maging availablesa merkado.

Una nang lumagda ng kasunduan ang lungsod para makabili ng 275,000 doses ng bakuna sa AstraZeneca noong nakaraang buwan.

Siniguro rin ng alkalde na may mapaglalagyan ang kanilang lungsod ng mga bakuna sakaling dumating na sa bansa.

Handa umano ang cold storage facilities at maging ang Pasay General Hospital para magamit ang kanilang pasilidad na paglalagakan ng bakuna.

Sinabi ni Mayor Rubiano, puspusan ang kanilang pagha­handa para tiyakin ang tagumpay ng kanilang vaccination campaign.

Kabilang sa ginagawang paghahanda ang pagsasagawa ng vaccination simulation sa iba’t bang lugar ng lungsod.

Aniya, pinaiigting ang information campaign sa pama­ma­magitan ng pagpapakalat ng mga babasahin at mga tarpaulin na nagpapaalala sa taong bayan kaugnay ng mga pag-iingat na kailangang gawin kontra CoVid-19.  (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …