Thursday , December 26 2024

Manggagawa, empleyado tuturukan ng bakuna (Kahit hindi taga-Makati)

KAHIT hindi residente ang mga manggagawa sa lungsod ng Makati mabibigyan ng libreng turok ng CoVid-19 vaccine.

Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay kahapon, para ito sa lahat ng rehistradong negosyo sa lungsod at ibabase ang mga kasaling empleyado sa 2021 business permit na up-to-date sa binayarang buwis, kabilang ang mga nasa installments o hulugan ang pagbabayad ng buwis.

“We will use the number of employees declared by the businesses in their business permit applications as basis for the number of employees who will be vaccinated for free. This is our way of helping our economic frontliners.”

Ngunit hindi kasali sa pababakunahan ang mga empleyado ng mga kompanyang nakabili ng bakuna para sa mga kawani.

Aniya, nasa 500,000 ang populasyon sa Makati, umaakyat ito sa halos 5 milyon kapag ang mga manggagawa ay nagsipasok sa kanilang mga kompanya na nakabase sa Makati.

Matatandaang ang Makati ang agad na naglaan ng P1-bilyon sa pagbili ng CoVid-19 vaccines, at nakapagpareserba ng 1 milyong doses sa AstraZeneca.

Ang unang batch ay parating na anumang araw ngayong buwan at ang susunod ay sa 3rd quarter ng taon.

Aminado si Mayor Abby na kahit 100 porsiyento nang handa sa logistics at pre-vaccination  at post-vaccination monitoring systems, hamon pa rin sa kanila na kombinsihin ang mga tao na magpabakuna kaya’t palalakasin pa ang information dissemination para mas maunawaan ng mga tao na mabuting magpabakuna, ligtas ito, at sila ay maaalagaan mabuti anuman ang mangyari.

“For non-residents, it will be covered by PhilHealth and the ‘Malasakit Financial Assistance’ from the Department of Health. In Makati, our #ProudMakatizens will get free medical and health assistance through our Yellow Card program,” paliwanag ng alkalde ng Makati.

(JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *