Monday , December 23 2024

P15-B pondo ng PhilHealth hindi nawala — Gierran

HINDI nawawala o napunta sa katiwalian ang P15 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at 92 porsiyento nito’y nai-liquidate o natuos na.

Sinabi ito ni PhilHealth chief Dante Gierran sa virtual Palace press briefing kahapon.

Hindi umano siya papayag na mawawala ang pera ng PhilHealth lalo’t galing siya sa National Bureau of Investigation (NBI).

Inulan ng batikos ang PhilHealth makaraang isiwalat ng isang dating opisyal nito na nasa P15 bilyong pondo ng ahensiya ang ibinulsa ng ilang mga opisyal ng state insurer sa pamamagitan ng fraudulent schemes.

Iginiit ni resigned PhilHealth anti-fraud legal officer Thorsson Montes Keith na lahat umano ng miyembro ng executive committee ng PhilHealth ay kasapi ng isang “mafia” na promotor ng katiwalian sa korporasyon sa loob ng maraming taon.

Tinukoy ni Keith ang mala-sindikatong kalakaran ng mga opisyal sa ilalim ng interim reimbursement mechanism at ang overpriced umanong information and communication technology equipment.

Kamakailan, inihayag ni PhilHealth Spokesperson Rey Baleña na ang  ± 15 bilyon na pinaniniwalaan ng ilan na nawawala ay tinanggap ng 711 health care facilities sa buong bansa bilang bahagi ng CoVid response. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *