Monday , December 23 2024

‘Militarisasyon’ ng mass vaccination program kasado na

IKINASA na ang mahalagang papel na gagampanan ng militar sa mass vaccination program ng gobyerno.

Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi, inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tinanggap na ng kanyang kagawaran ang alok ng negosyanteng si Joey Concepcion na isailalim sa pagsasanay ang military-medical personnel sa vaccination drive lalo sa mga lalawigan.

Mag-uumpisa aniya sa susunod na linggo ang training bilang paghahan­da sa pagdating ng CoVid-19 vaccine sa bansa sa susunod na buwan.

Aniya, makatutulong rin ang militar sa pag-iimbak at pagbibiyahe ng temperature-sensitive vaccine lalo na’t ang Philippine Navy ay may apat na barkong may freezer na may temperature mula -15 hanggang -18 degrees at may kabuuang kapa­sidad na limang tonelada.

“Puwede po nating gamitin ito ‘pag magta-transport ng bakuna mula Manila at sa mga island dito sa Visayas at saka dito sa Luzon,” ani Lorenzana sa Pangulo.

Habang ang Philippine Coast Guard (PCG) ay may siyam na barkong may freezer din na may -20 hanggang -25 degrees temperatura at kapasidad na 526 cubic feet na ubra rin sa paghahatid  ng mga bakuna.

Kabilang sa temperature-sensitive vaccines ang mga gawa ng Pfizer at Moderna na ayon sa mga eksperto ay maaaring gamitin sa urban centers para mas madali ang handling at storage.

“Ngayon po, roon sa rollout na ‘yan at ang Armed Forces po ay nasa forefront ng rollout kasi mayroon tayong — marami tayong hospital — hospitals ng mga Army at saka ‘yung area commands na nagkalat sa buong bansa,” dagdag ni Lorenzana.

Nauna nang tiniyak ng Pangulo na gagamitin niya ang pulis at militar sa pagsasakatuparan ng mass vaccination program dahil sa kanilang nationwide command and control structure.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *