MULING napapanood ang Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime na tampok sina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Jeric Gonzales, Polo Ravales, Dion Ignacio, at Klea Pineda.
At tulad ng iba pang teleserye ng GMA, may aral na mapupulot ang mga manonood. At sino pa ba ang dapat hingan ng opinyon tungkol dito, kundi ang mismong mga artista ng serye.
“Ang daming temptation talaga sa mundo.
“You have to be faithful sa partner mo and kasi ang mga lalaki… maraming magaganda, maraming babae.
“Pero hindi puwede, eh. Kailangan isa lang. Kung sinong mahal mo, dapat isa lang.
“Temptation talaga siya, kailangang iwasan,” pahayag ni Jeric.
“Hindi ka dapat magpatalo sa galit mo,” sinabi naman ni Sheryl.
“Although galit ka as a person, and as in the character of Veron Santos, na siyang naghiganti dahil naagawan siya ng asawa from the very beginning.
“So, ‘yung poot niya naging malaki. Hindi lang asawa niya ang naagaw sa kanya. Namatayan din siya ng anak.
“Hindi ko alam kung paano ang paghihiganti sa bawat tao sa kapwa niya, pero siguro ‘yung lesson na itinuturo ng show na ito, kung ikaw ay maghihiganti at nakapaghiganti ka na, stop na.
“You don’t want to be the person na kinamumuhian mo.”
Huwag magpapatalo sa kabit, ang walang kagatol-gatol na sinabi naman ni Sunshine.
“Ipaglaban ang pamilya at huwag magpapatalo sa mga kabit!
“That family is very important, na hangga’t puwede mo pang ilaban para mabuo ‘yung pamilya mo, kailangan mong ilaban iyon.
“At huwag magpapatalo sa mga kabit.”
“Para naman sa side ng lalaki, siguro huwag ka na lang mambabae kapag may asawa ka na, kasi magiging magulo ang buhay mo, ‘di ba?
“’Yung family, given naman talaga ‘yan. Sa marriage world, parang talagang magugulo ang pamilya mo ‘pag nambabae ka, eh.
“So, iwasan mo na lang,” ang pahayag naman ni Polo.
“Nasa diyamante ka na, huwag ka nang pumunta sa bato,” ang sagot naman ni Dion.
“Kumbaga, nasa magandang pamilya ka na, tapos nambababae ka… ako, sa ngayon may pamilya na ako.
“Tingin ko, ‘pag nambabae ka, sakit sa ulo. Mai-stress ako, agad akong tatanda.
“Ang aral dito, kagaya ng sabi ni Polo, huwag ka nang matukso.”
Ang Magkaagaw ay ididinirehe ni Gil Tejada, Jr..
Rated R
ni Rommel Gonzales