Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Gerald, ‘wag nang asahang aamin pagbubuking, ginawa na ni Dennis

KUNG sinasabi man nilang inamin na ni Julia Barretto na siya ay “taken” na sa isang social media post, huwag ninyong aasahan na aminin din niya na ang naka-take sa kanya ay si Gerald Anderson.

Naikaila na nila iyan eh, alangan namang aminin nila ngayon, at aminin din nilang iniligaw nila ang paniniwala ng publiko noong kainitan ng”ghosting” issue.

At saka more or less alam na naman natin iyon eh. Hindi ba si Dennis Padilla pa nga ang nagsabing nakausap niya sa telepono si Gerald at inamin niyon na “nililigawan niya ang anak ko.” At sinabihan pa niyang “ipinapalala ko lang sa iyo, anak ko iyan”.

Iyong pagkampi ng kanyang mga tiyahing sina Gretchen Barretto at Claudine, na nagpadala ng mensahe ng simpatiya kay Bea Alonzo noong panahon ng “ghosting”, at naging mitsa sa naging gulo nila hanggang sa burol ng kanyang lolo, hindi pa ba katunayan iyon na may kinalaman siya sa “ghosting”.

Iyong mga picture niya at ng kanyang inang si Marjorie sa private resort na pag-aari ni Gerald, ano pa nga ba ang ibig sabihin niyon? Pero aaminin ba ni Julia ngayon na siya nga ay syota ni Gerald? Malabo pa rin iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …