Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 bansa idinagdag sa travel restriction

IDINAGDAG ang lima pang bansa sa ipinatutu­pad na  travel restriction sa Filipinas dahil sa bagong CoVid-19 variant.

Inihayag ni Presidential spokes­person Harry Roque na kasama sa travel restriction ang China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg, at Oman.

“Ipinagbabawal po ang pagpasok ng mga dayuhan galing sa mga bansang ito, galing po roon sa mga lugar iyon effective January 13, 2021 at noon (12:01PM) until January 15, 2021 subject po to the recommendation of the IATF,” ayon kay Roque sa virtual palace press briefing kahapon.

Pahihintulutan pa rin makapasok sa Filipinas ang mga Filipino mula sa mga naturang bansa pero kailangang sumailalim sa 14-day quarantine kahit luma­bas na negatibo sa RT-PCR test.

Nauna nang ipina­tupad ang travel restriction sa 21 bansa kabilang ang United Kingdom, US, Denmark, Ireland, Japan,  Australia, Israel, The Netherlands, Hong Kong, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada, Spain, Portugal, Finland, Norway, Jordan, at Brazil.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …