Sunday , December 22 2024

Bakunang aprobado ng FDA ligtas (Palasyo kibit-balikat sa Kritisismo)

HINDI natinag ang Palasyo sa mga kritisis­mo sa pahayag na hindi puwedeng maging ‘choosy’ ang mga Pinoy at nanindigan na go­byerno ang masusunod at hindi puwedeng mamili ang mamama­yan ng tatak ng CoVid-19 vaccine alinsunod sa national immunization program.

Katuwiran ng Malacañang, lahat ng tatak ng bakuna na aaprobahan at bibigyan ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ay ligtas at epektibo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sino­man ang nasa priority list na tatangging maba­kunahan ay mawawala sa prayoridad at pipila sa huli ng linya.

“‘Pag nabigyan po iyan ng Emergency Use Authorization ng FDA, kahit anong brand po iyan, iyan ay ligtas at effective. Kaya nga po kung ayaw ninyong magpaturok at gusto ninyong ibang brand, e kung mayroon po kayong priority mawa­wala ang prayoridad ninyo, pipila po kayo sa huli ng linya.

Aminado si Roque na may impluwensiya ang kontrobersiya sa Dengvaxia vaccine sa pagdududa ng publiko sa bakuna kaya hinimok ang mga mamamayan na maniwala sa mga eksperto sa bakuna at hindo sa “self-proclaimed experts.”

“Hindi po natin made-deny na mayroon pong influence iyan. Kaya nga po ang panawagan ng mga tunay na eksperto gaya ni Dr. Lulu Bravo, huwag po nating pakinggan iyong mga self-proclaimed experts kasi kapag naaprobahan po iyan ng FDA lalo na for general use at gina­gamit sa buong mundo, wala pong dahilan para matakot tayo sa mga ganiyang bakuna,” aniya.

“Totoo po ang mga doktor ay qualified po na magbigay ng medical advice pero para po sa vaccines, mayroon po talaga tayong experts diyan na karamihan ay doktor din pero mayroong additional na pag-aaral para maging eksperto para tawaging ‘vaccinologist.’ Iyon po ang pakinggan natin.”

Nakakasa na rin aniya ang adverse effect committee sa mga barangay sa buong bansa para sumbungan kapag nakaramdam ng hindi magandang epekto ang taong naturukan ng CoVid-19 vaccine.

“Nauna po tayo rito sa Asya sa pagtatayo ng adverse effect committee. So iyon po ay bagama’t national, mayroon pong mga lokal iyan. So, ipinag­bigay alam  lang po siguro sa DOH, sa  closest Barangay Center na mayroon kayong adverse effect at makararating naman po iyan sa ating DOH at doon sa adverse effect panel,” ani Roque.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *