Saturday , November 16 2024

Ruptured aorta, ‘catastrophic complication’ ng palpak na CPR

ni ROSE NOVENARIO

MAHALAGANG busisiin ng mga awtoridad ang mga pangyayari na naging dahilan kaya namatay si Christine Dacera sanhi ng “ruptured aortic aneurysm” gaya nang isinagawa sa kanyang cardiopulmonary resuscitation (CPR) matapos makitang walang malay sa bath tub sa City Garden Hotel sa Makati City.

Paliwanag ito ni u/Dvdcap, isang medical student sa kanyang post  sa Reddit, isang American social news aggregation, web content rating, and discussion website.

Ang pagsabog aniya ng aorta o ang malaking ugat sa ilalim ng dibdib at abdomen ay maari rin maging sanhi ng trauma.

“May isang factor na importante dito — ang pag-perform ng CPR ng isang hotel staff at kaibigan nito.

Ayon sa journal na ito, ang ruptured aorta ay isang catastrophic complication ng CPR, lalo na kung hindi health practitioner or beginner ang nagsagawa nito. Ibig sabihin, depende sa puwersang ginamit sa pag-CPR, maaaring maging kadahilanan ito ng pagsabog ng aorta,” aniya.

Sa ilang panayam sa media, inilahad ni Gregorio Angelo Rafael de Guzman, anak ng singer na si Claire dela Fuente, na sinikap niyang isalba si Dacera nang matagpuan nilang walang malay sa bath tub sa kanilang hotel room.

“I checked her nose to see if she was exhaling. There was nothing. I checked her heartbeat. There was nothing as well. I said, ‘Tin. Tin. Babe, wake up, please.’ And then I started to give her CPR,” kuwento ni De Guzman.

Habang ang sikat na doctor na si Doc Willie Ong ay sinabing isa sa mga sanhi ng  ruptured aortic aneurysm ay paggagmit ng cocaine, base sa datos sa Amerika.

Para kay forensic expert Dr. Raquel Fortun, medyo huli na para kunan ng sample ang bangkay ni Dacera para alamin kung siya’y ginahasa dahil nalinis at naembalsamo na ang kanyang katawan.

“Well swabbing, sampling, for anything, it’s too late. It’s too late because by this time, the body has been washed, cleaned, and it’s been 5 days,” ani Fortun.

Ngunit puwede pa rin aniyang mangalap ng ibang ebidensiya upang mapatunayan kung may rape na naganap gaya ng “physical evidence, documentary evidence, or testimonial evidence.”

Sinabi ni NCRPO director B/Gen. Vicente Danao, Jr., sinisilip pa rin ng mga pulis ang anggulong rape with homicide kung mapatu­nayan na may inilagay na illegal drugs sa inumin ni Dacera na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

“The probability of having one is always there. Iyong rape with homicide. Paano ko nasabi iyan? Iyong homicide kasi ‘di ba if somebody put or induced a drug na ininom mo na hindi mo alam that caused your death, may kaso iyon. Ang tanong sino naglagay? So iyon ang aalamin natin,” sabi ni Danao.

Sa medical perspective pa rin ni u/Dvdcap sa nakasaad na Genital abrasions and edema (gasgas at pamamaga sa puwerta) sa autopsy report ng PNP kay Dacera, “maaaring sign ito na may forced entry ng isang bagay. Maaaring penile penetration or sexual objects tulad ng daliri o dildo. Again, maaari rin ito ay sanhi ng rough sex or sexual kinks.”

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na makakamit ng pamilya Dacera ang katarungan.

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *