Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elia Ilano, tatalakay sa ace that interview ng State of Youth Organization

MASAYA ang child actress na si Elia Ilano bilang nag-iisang Filipino at pinakabatang lider sa buong mundo ng State of Youth Organization na inilunsad ng KidsRights Foundation.

Namulat si Elia na kinikilala ang kahalagahan ng nasa kanyang kapaligiran at sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Saad ni Elia, “Sobrang blessed and happy po ako dahil bukod sa pagiging founder ng Youth Environmental Guardians and ang aking suporta sa Hope in a Star na para sa edukasyon ng kabataang Filipino, mas magagamit ko pa po ‘yung interest and knowledge ko sa current issues and events.”

Ang State of Youth Organization ay binubuo ng mga kabataan sa buong mundo na naglalayong magbigay ng awareness sa pamamagitan ng iba’t ibang advocacies na kaugnay sa Sustainable Development Goals na inilunsad ng United Nations.

Ang humanitarian efforts ni Elia sa pamama­gitan ng kanyang charity works ang pangunahing dahilan kung bakit siya napansin at nakuha ng organisasyong ito.

Para sa kauna-unahang event project ng child star, ito ay tatalakay sa SDG#8 na Economic Growth kung saan maglulunsad siya ng 3-Part Webinar Series (simula January 9) sa pamamagitan ng social media na pinamagatang “Ace That Interview” na magbibigay tulong sa Job Interview skills ng kabataang Filipino sa gitna ng pandemya.

Ayon sa father niyang si PX Ilano, since 7 years old si Elia ay nakagawian na nilang magpakain ng mga street children.

Ang 10-year-old na si Elia ay contract artist ng Viva Artists Agency at mapapanood sa forthcoming movie ng Viva Films titled The Housemaid (PH Adaptation). Ito ay tinatampukan ng former beauty queen na si Kylie Verzosa.

Para sa ibang detalye, bumisita sa https://www.chapters.stateofyouth.org/o/State-of-Youth-Manila/Activities/30448 para malaman ang iba pang detalye.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …