Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
sexual harrassment hipo

PWD minolestiya ng trike driver

ARESTADO ang 29-anyos trike driver makaraang molestiyahin ang dalagitang may kapansanan, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Inireklamo sa pulisya ang suspek na si Gerald Egot, ng Camiguin St., Barangay Pitogo, Makati City, ng sexual abuse in relation to Republic Act 7610 (Child Abuse Law).

Ayon sa ulat ng Makati City Police Station, nangyari ang pangmomolestiya sa biktimang si alyas Stephanie  sa loob ng tricycle na ipinarada sa Pinos St., Barangay Pinagkaisahan, Makati dakong 7:00 pm.

Sa kuwento ng 53-anyos ina ng biktima, ang anak niya na may multiple disability ay bumibili sa isang kalapit na tindahan nang lapitan ng suspek saka isinaman at isinakay sa tricycle.

Ipinarada umano ang tricycle sa madilim na bahagi  ng Pinos St., at doon pinaglalamas ang dibdib ng biktima hanggang sa ibabang bahagi.

Nalaman ng ina ang nangyari sa anak nang hanapin ito kaya agad ipinahuli ang suspek sa dalawang Bantay Bayan ng Brgy. Pitogo sa isinuko sa Women and Children Protection Desk ng Makati City Police. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …