Thursday , December 26 2024

P1-B uutangin ng Parañaque para sa bakuna kontra CoVid-19

HIHIRAM muli ng karagdagang P1-bilyon sa banko ang pamahalaang lokal para mabakunahan ang lahat ng lehitimong residente ng Parañaque bukod sa nakalaang P250-milyong pondo para ipambili ng CoVid-19 vaccines.

Inihayag ni Parañaque City Treasurer Anthony Pulmano, na mayroong inilaan ang administrasyon ni Mayor Edwin Olivarez na P250 milyong pondo ngayong 2021 para pambili ng bakuna kapag duma­ting na sa bansa at kung mayroon na rin sa merkado.

Paliwanag ni Pulmano, halos 300,000 residente ng lungsod ang mababakunahan ngayong taon kapag nakabili ng bakuna ang lokal na pamahalaan mula sa iba’t ibang pharmaceutical company mula sa abroad.

Ang hihiraming P1 bilyon sa Landbank of the Philippines ay para may ‘standby’ funds na ilalalan sa pagbabakuna.

“Dapat wala nang maiwan. Lahat ng residente ng lungsod, mahirap man o mayaman, dapat mabakunahan hanggang sa 2022,” ani Pulmano.

Aniya, sa nakaraang limang taon, ang pama­halaang lungsod ay hindi nagkakaroon ng utang mula sa mga institusyon o banko matapos ganap na maba­yaran ang utang ng nakaraang adminis­trasyon.

Dagdag niya, kahit ang Parañaque ay hindi kasama sa mga lungsod sa Metro Manila na nagpakita ng pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa nagdaang tatlong linggo, ang mga residente ng lungsod ay dapat pa rin protektahan mula sa virus kasama ang bagong coronavirus variant na nagmula sa United Kingdom.

(JAJA GARCIA)

 

About Jaja Garcia

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *