Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wilbert Tolentino at Raffy Tulfo, magsasanib-puwersa

SUPORTADO ni Raffy Tulfo ang businessman at dating Mr. Gay World titlist na si Wilbert Tolentino. Katunayan, mayroong silang collaboration na dapat abangan.

Potensiyal na makahabol ang Wilbert Tolentino VLOGS sa rami ng subscribers nina Tulfo, Ivana Alawi, at Alex Gonzaga.

Wala pang dalawang buwan pero almost 300,000 subscribers na ang Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa entertainment streaming app.

Tiyak na dadami pa ‘yan kapag ipinalabas na ang pagsasama nila ni Raffy.


Samantala, namahagi rin si Wilbert noong December 24 sa kanyang mga ka-freshness subscribers sa YouTube ng Noche Bola Raffle Bonanza.

Ang mga premyo ay 1 unit ng Yamaha NMax 155cc., 1 winner ng P100,000 cash, 2 winners ng P50,000 cash, 3 units IPhone 12 ProMax 512GB, 2 units IPphone 12 ProMax 256GB, 500 subscribers for P500 GCash, 500 subscribers ng P400 GCash, 500 subscribers ng P300 GCash, at 500 subscribers ng P200 GCash.

Generous talaga si Wilbert at maraming napasaya noong Kapaskuhan. 

“Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” lahad  niya.

“Bilang isang critical COVID pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy  na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng  bagyo at kalamidad. Gayundin  sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya,” deklara pa ni Wil.

Si Wilbert ay kilalang co-owner ng tatlong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit). May malaki rin siyang pasabog na event ‘pag bumalik sa normal ang lahat at may vaccine na. 

Mag-o-organize siya ng The Philippine Influencer Awards 2021.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …