Si John ang bida sa biopic ni Father Fernando Suarez, isa sa 10 official entry sa annual MMFF na mapapanood worldwide via Upstream simula sa December 25. Ito’y handog ng Saranggola Media Productions at pinamahalaan ni Direk Joven Tan.
Aniya, “Naniniwala ako na tatangkilikin itong pelikula namin lalo’t marami siyang (Father Suarez) followers at marami ang naghihintay nitong pelikula… na para sa kanila, karugtong itong pelikula ng pagmamahal nila kay Father Suarez. Sana ay suportahan ito ng lahat ng mga naniniwala kay Father Suarez.”
Makikita sa pelikula ang tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest-kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito napagtagumpayan.
Ipinahayag ni John na napapanahon ang kanilang pelikula.
Wika niya, “Ngayon, kailangan na kailangan natin ibalik yung sarili natin sa pananampalataya natin, kung sino man ang Diyos-kasi naniniwala naman ako, ang Diyos marami siyang pangalan, puwedeng Allah, puwedeng Buddah, pero it’s the same God with different names.”
Lahad pa niya, “So for me it’s very special, kasi very timely siya sa nangyayari sa atin ngayon sa mundo at saka sa bayan natin. Ngayong may pandemya, ibibigay sa atin ng pelikula ‘yung nawalang paniniwala natin. Hahaplusin tayo ni Father Suarez through our film, kahit wala na siya.”
January this year nang ilabas ng Vatican na cleared si Fr. Suarez sa sexual molestation na isinampang kaso sa kanya ng dalawang altar boys, ilang araw bago namatay si Father Suarez.
ni Nonie Nicasio