Thursday , December 26 2024
duterte gun
duterte gun

Duterte ‘nag-U-Turn sa isyu ng human rights  

LIMANG araw matapos ideklarang wala siyang pakialam sa adbokasiya ng human rights group na pahalagahan ang buhay ng mga tao, inihayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na prayoridad ng kanyang administrasyon ang karapatang pantao.

“I welcome this summit as an effective platform for the international community to enhance collaboration in the protection and promotion of human rights,” sabi ni Duterte sa pre-recorded message kahapon sa Human Rights summit na pinangunahan ng Department of Justice (DOJ).

Noong nakaraang Huwebes, idineklara ng Pangulo na magpapatuloy ang patayan kaugnay sa isinusulong niyang drug war at wala siyang pakialam sa adbokasiya ng human rights groups na pahalagahan ang buhay ng mga tao.

“Human rights, you are preoccupied with the lives of the criminals and drug pushers. As mayor and as president, I have to protect every man, woman, and child from the dangers of drugs. The game is killing… I say to the human rights, I don’t give a shit with you. My order is still the same. Because I am angry,” aniya sa kanyang pagdalo sa pagsira sa P7 bilyong halaga ng illegal drugs sa Trece Martires City, Cavite noong 3 Disyembre 2020.

Sa HR summit kahapon, ipinagmalaki ng Pangulo na ang Filipinas ay isa sa iilang bansa na lumagda sa karamihan sa “core human rights treaties” sa buong mundo na nagpapakita aniya ng seryosong komitment sa paggalang at pagtupad sa treaty obligations at pagbibigay prayoridad sa human rights agenda bilang paraan upang makamit ang ‘sustainable development goals’ ng bansa.

“I urge everyone to strengthen the multi-sectoral engagement that would foster a healthy human rights environment for all,” anang Pangulo.

Mula maluklok sa Malacañang ay naging pangunahin ang human rights advocates sa mga binabatikos ni Pangulong Duterte at minsan pa’y nagbanta siyang papatayin ang human rights activists na kritikal sa kanyang kontrobersiyal na drug war.

“Ganoon kadelikado ang — sabi ng human rights, pinapatay ko raw. Sabi ko, sige maghinto tayo. Paramihin natin para pag panahon ng harvest time, mas marami na tuloy mamamatay. Isali ko na kayo. Kayo ang nagpalaki e,” anang Pangulo sa talumpati noong 28 Nobyembre 2016.

Kahit sa panahon ng lockdown ay hinimok din niya ang mga awtoridad na “shoot dead” ang quarantine violators lalo ang mula sa makakaliwang grupo na kritikal sa kanyang administrasyon.

Matatandaan sa kilos-protesta ng ilang nagugutom na residente ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-Asa mula sa Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SaMaNa) sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) noong 01 Abril 2020 dahil sa mabagal na ayuda ng pamahalaan, marahas na binuwag ng mga pulis at dinakip ang 21 raliyista.

Hindi pa nagkasya sa pagdakip sa mga maralitang gutom, sa kanyang public address kinagabihan ay inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbabanta na ipababaril sila sa mga sundalo kapag umulit.

“Huwag ninyo… Huwag ninyong subukan ang Filipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you,” sabi ni Pangulong Duterte.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo no’ng barilan, e ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate. My orders are… sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” pahayag noon ng Pangulo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *