Sunday , April 27 2025

The game is killing — Duterte (Sa human rights groups)

“THE game is killing.”

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapatuloy ang patayan kaugnay sa isinusulong niyang drug war at wala siyang pakialam sa adbokasiya ng human rights groups na pahalagahan ang buhay ng mga tao.

“Human rights, you are preoccupied with the lives of the criminals and drug pushers. As mayor and as president, I have to protect every man, woman, and child from the dangers of drugs. The game is killing… I say to the human rights, I don’t give a shit with you. My order is still the same. Because I am angry,” sabi ng Pangulo sa kanyang pagdalo sa pagsira sa P7 bilyong halaga ng illegal drugs sa Trece Martires City, Cavite kahapon.

Muling inudyukan ni Duterte ang mga pulis na barilin ang mga drug addict dahil sigurado umanong armado sila.

“All addicts have guns. If there’s even a hint of wrongdoing, any overt act, even if you don’t see a gun, just go ahead and shoot him,” pahayag ng pangulo.

“You should go first, because you might be shot. Shoot him first, because he will really draw his gun on you, and you will die,” giit ng Pangulo.

Direktiba ito ni Duterte sa mga pulis sa nakalipas na mahigit apat na taon sa poder.

Kahit sa panahon ng lockdown ay hinimok din niya ang mga awtoridad na ‘“shoot dead’ ang quarantine violators lalo ang mula sa maka-kaliwang grupo na kritikal sa kanyang administrasyon.

Matatandaan sa kilos-protesta ng ilang nagugutom na residente sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa mula sa Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SaMaNa) sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) noong 01 Abril 2020 dahil sa mabagal na ayuda ng pamahalaan, ay marahas na binuwag ng mga pulis at dinakip ang 21 raliyista.

Hindi pa nagkasya sa pagdakip sa mga maralitang nagugutom, sa kanyang public address kinagabihan ay inihayag ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbabanta na ipababaril sila sa mga sundalo kapag umulit.

“Huwag ninyo… Huwag ninyong subukan ang Filipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you,” pahayag noon ng Pangulong Duterte.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo no’ng barilan, e ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate. My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” tahasang utos ni Duterte. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *