Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel Laxa, labas na ang bagong librong Maya at Laya

KALALABAS lang ng bagong librong pambata ni Maricel Laxa-Pangilinan, na pinamagatang Maya at Laya.

Ito ay tungkol sa magkapatid na mahilig maglaro pero hindi nagkakasundo. Maayos sa gamit ang isa, ang isa nama’y makalat.  Paano sila nagkakasundo?

Ang kuwento ay base sa obserbasyon ni Maricel sa kanyang pamangkin na lalaki at babae. “Para silang aso’t pusa,” ani Maricel.

Isang parenting advocate si Maricel. Nakatapos siya ng kursong Family Life and Child Development sa UP Diliman. Ang libro niyang Super Benj ay nanalo ng 2006 CMMA Book of the Year award.

Sa ngayon ay napapanood si Maricel sa TV series na Paano ang Pasko? ng TV5.

Ang serye ay tinatampukan din nina Ricky Davao, Ejay Falcon, Beauty Gonzalez, Julia Clarete, Matt Evans, Cedrick Juan, Allan Paule, Ace Ismael, Danita Paner,  Elijah Canlas, Devon Seron, Justine Buenaflor, at John ‘Sweet’ Lapus, mula sa direksiyon ni Eric Quizon.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …