Saturday , November 16 2024

Makabayan solon, binastos, minaliit ni Duterte (Kabaro sa propesyon)

KUNG nabahag ang buntot sa pagtukoy sa mga kongresistang isinabit sa korupsiyon, ‘bumula’ naman ang bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglapastangan sa isang Makabayan solon kagabi.

Galit na tinawag ni Pangulong Duterte na parang ‘tae ng aso’ si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate sa kanyang public address kagabi.

Pinagbantaan din ng Punong Ehekutibo si Zarate na mag-ingat.

“Alam mo sa totoo Zarate ‘pag nakikita kita sa TV, para akong nakakita ng tae ng iro, para akong nakakita ng tae ng aso. Sa totoo lang. Bantay ka sa akin,” nagngingitngit na sabi ng Pangulo.

Binatikos ng ilang political observer ang pambabastos ni Duterte kay Zarate mula sa sangay ng lehislatura na co-equal branch ng ehekutibo.

Tila ikinagalit ng Pangulo na pinalalabas umano ni Zarate na ginagawang gatasan ng mga opisyal ng kanyang administrasyon ang gobyerno.

“Kita mo tapos abogado ng… Susmaryosep. Alam mo sabihin ko nangangailangan ka ng pera. That’s the only reason. Komunista ka to defend an oligarch. Hindi ka naman summa cum laude. Pareho naman tayo pumasa ng bar. Kung magsalita ka you make it appear that we are milking the government of… It’s you,” anang Pangulo.

Binigyan diin ng Pangulo na hindi red-tagging ang ginagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Makabayan bloc at iba pang progresibong organisasyon kundi tinutukoy mismo sila bilang magkakasabwat sa ilalim ng National Democratic Front (NDF) para agawin ang gobyerno.

“Itong (mga) legal fronts ng komunista, lahat ‘yan Makabayan, Bayan, they are all legal fronts, Gabriela. Hindi ‘yan sila — we are not red tagging you. We are ‘identifying you’ as members in a grand conspiracy comprising all the legal fronts that you have organized headed by NDF tapos ‘yung — sagol ang New People’s Army, NDF at Communist Party of the Philippines,” mariing bintang ng Pangulo.

“Ano nakuha mo riyan sa ideology na ‘yan communism? They are accusing red tagging you. No, the Armed Forces of the Philippines is very correct. You are being identified as the members of the communist. Alam namin. Iyon ang totoo. Hindi red tagging,” dagdag niya.

Batay sa datos sa Congress website sa Facebook page ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, nakasaad na anim sa top 10 legislators na may pinakamaraming naihaing batas ay mula sa Makabayan bloc.

Nakasaad sa listahan na sina Bayan Muna representatives Ferdinand Gaite, Carlos Isagani Zarate, at Eufemia Cullamat ay may 414, 409, at 395  panukalang batas na naihain sa 18th Congress. Habang si Kabataan Partylist Representative Sarah Elago ay may 350, Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas, may 333, at ACT Teachers Partylist Representative France Castro may 322 panukalang batas na naihain sa Mababang Kapulungan. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *