Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mystica, ayaw makasama sa kuwarto si Kiray Celis

NA-OFFEND si Mystica sa ginawa sa kanyang treatment sa taping ng upcoming Kapuso show na Owe My Love. Karamihan raw sa mga artista ay kanya-kanyang  kuwarto pero siya ay isinama kay Kiray Celis.

Ginanap ang lock-in taping ng Owe My Love, comedy-drama series ng GMA Public Affairs, in a private resort in Bocaue, Bulacan, the other week.

Part ng cast members sina Mystica, Kiray Celis, Winwyn Marquez, Buboy Villar, Nova Villa, Benjamin Alves, at Lovi Poe.

Dahil sa ipinatutupad na health protocols in connection with the coronavirus pandemic, sumailalim ang lahat, including the production staff, sa swab test prior to the taping.

Siyempre pa, bawal lumabas mula sa resort until such time na hindi nakukunan ang kanilang mga eksena.

Bawal rin pumasok ang ibang tao na walang kinalaman sa production, particularly ang hindi dumaan sa swab test.

Anyway, nainsulto raw si Mystica sa tanong ng isang nameless comedian na nagngangalang Divine Tetay na tinanong siya kung siya ay lasing.

Sa simula pa lang, may mga reklamo na si Mystica tungkol sa taping niya para sa Owe My Love.

Una, she wasn’t supposedly told that it was going to be a lock-in taping at the resort.

Secondly, Mystica’s wondering why the other actors were given private rooms while she and Kiray shared a room.

Ayaw raw ni Tikay na magkasama sila ni Kiray in one room for the simple reason that they have different lifestyles.

Mystica also complained that she was “taken for granted” for the simple reasons that the staff of the resort was able to forget to bring her breakfast the other day, November 22.

Ang hindi pagdadala sa kanya ng almusal ang last straw kaya nag-decide nang umalis si Tikay sa resort kaninang alas-tres ng madaling-araw.

Nagbanta rin siyang magdedemanda dahil sa naging trato sa kanya.

Siyempre pa, kinunan niya ng videos ang kanyang pag-alis sa resort dahil ‘yun daw ang kanyang gagamiting ebidensiya laban sa mga taong ipinagwalang-bahala raw ang kanyang mga concern.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …