Wednesday , April 23 2025

Bakuna kontra CoViD-19, ‘bitin’ sa Duterte admin (Para sa 60-M Pinoy)

HINDI kayang tapusin ng administrasyong Duterte hanggang magwakas ang termino sa 30 Hunyo 2022 ang target na pagbabakuna sa 60 milyong Filipino kontra CoVid-19.

Inamin ni National Task Force against CoVid-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr., aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna sa target na 60 milyong Filipino.

Ayon kay Galvez, dalawa hanggang 30 milyong katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 milyong Filipino para magkaroon ng herd immunity.

Sinabi ni Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaaring masimulan ang pagbabakuna.

Mayroon na aniyang listahan ang pamahalaan na 35 milyong Pinoy ang bibigyan ng prayoridad na bakuna.

Batay aniya ito sa isinumiteng listahan ng Department of Health (DOH).

Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu, at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng CoVid-19.

“Ang pinakauna nga is healthcare workers at saka ‘yung frontliners. Kasama po sa frontliners ay mga police at sundalo, at saka ‘yung ating mga serviceman,” ani Galvez.

“Kasama rin po rito ang essential workers ng DSWD, DepEd, at government agencies, at ‘yung sinasabi nating vulnerable, poor communities,” dagdag niya.

Sa ngayon, nakikipagnegosasyon na ang pamahalaan sa mga kompanyang AstraZeneca, Sinovac, Biotech at Pfizer para sa pagbili ng bakuna.

Nauna rito’y inihayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na may budget na $25 bawat Pinoy o P73 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa bakuna ng 60 milyong Filipino. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

TRABAHO Partylist lumalakas sa Zambo Norte

NAKAKUHA ng malakas na suporta ang TRABAHO Partylist mula sa partidong pinangungunahan ni Dipolog City …

Bambang Kalimbas Sta Cruz Manila Fire

Sa Sta. Cruz, Maynila
Residential-commercial building nasunog

TINUPOK ng apoy ang isang residential-commercial building na matatagpuan sa kanto ng Bambang at Kalimbas …

Valenzuela fire

Packaging factory 15-0ras nilamon ng apoy sa Valenzuela

TINUPOK ng malaking sunog ang isang pabrikang matatagpuan sa T. Santiago St., Brgy. Veinte Reales, …

Arrest Shabu

Sa Montalban Rizal
15-anyos binatilyo, 2 iba timbog sa P1.3-M shabu

HINDI bababa sa P1.3-milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakompiska mula sa isang 15-anyos binatilyo …

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *