Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagpauso ng Chururut Tusok, pinagbabaantaan ang buhay

DAHIL sa mga pagbabanta gamit ang social media, hindi makauwi ang nagpauso ng salitang Chururut Tusok ng Pilipinas.

Ayon kay Vicente Pebbles Cunanan (o Pebbles ‘Chururut Tusok Cunanan) hindi siya makauwi ng Pilipinas ngayon dahil sa kabi-kabilang pagbabantang natatanggap dahil sa aktibo niyang pagtuligsa sa  korupsiyong nangyayari sa gobyerno.

Taong 2001 nang mapansin si Pebbles dahil sa salitang Chururut Tusok na eventually ay ginamit ng ilang artista kaya biglang sumikat. Isa na nga sa gumamit nito ay si Vice Ganda na kaibigan pala niya.

Isang OFW sa Cambodia noon si Pebbles nang kumalat ang balita ukol sa pagbubukas ng mga Balikbayan Box ng mga kapwa n’ya OFW. Dito niya sinimulang tuligsain ang mga nasa gobyerno.

Ginamit niya ang Facebook, Instagram, at Youtube para maiparating ang daing ng mga kapwa niya OFW na nagpapakahirap magtrabaho para may maipadala sa mga pamilya nila rito sa Pilipinas. Pero ang nangyayaring pinaghirapan, napupunta sa wala dahil nga sa nabubuksan ang mga padalang balikbayan box.

Marami pang pagtuligsa ang inihayag ni Pebbles katulad ng usapin sa PhilHealth na iginigiit niyang marami rin siyang ambag na hulog dito pero kinulimbat lamang ng ilang tiwalang tauhan nito.

Sa pagiging aktibong pagpapahayag niya, marami man ang pumupuri, marami rin ang umaaway sa kanya at nagbabanta sa kanyang buhay.

Aniya, hindi lamang ang buhay niya ang pinagbabantaan kundi maging ang kanyang pamilya. Kaya naman humihingi siya ng tulong sa kinauukulan para ma-solve ang problemang kinakaharap niya ngayon.

Sa ngayo’y nasa Japan si Pebbles at doon din humihingi ng pagkalinga para hindi magtagumpay ang mga taong gusto siyang saktan o gawan siya ng masama.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …