Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zara Lopez, super-happy na maging bahagi ng serye ng Net25

MASAYANG-MASAYA si Zara Lopez matapos pumirma sa Net25 para sa isang serye. Last January pa siya huling humarap sa camera, kaya matagal na rin bakante ang dating member ng Viva Hot Babe.

Saad ni Zara, “Yes po, magiging part po ako ng Ang Daigdig Ko’y ikaw (Season-2). Super-happy po ako, kasi nakatutuwa sila sa Net25.”

Dagdag niya, “Ginagawa raw po nila ito dahil alam nila na maraming artista ang apektado, na nawalan ng trabaho. Ora mismo pagpunta namin doon ng first day, may project po agad kami. And sobrang saya po kasi ‘yung concern po nila sa mga artista at support nila, naramdaman ko talaga. Ang bait-bait nila po sa Net25.”

Sina Meg Imperial at Fabio Ide ang tampok sa season 2 ng nasabing serye ng Net25.

Pahabol niya, “Sobrang thankful din po ako, kasi since January wala na po akong work. Siyempre po single mom ako and bread winner, as much as possible po mas gusto ko po na may trabaho, para at least ay puwede kang makaipon.

“Lalo na karamihan sa amin naubos saving sa sobrang tagal ng pandemic at walang shows. Kaya nakatutuwa po ang Net25 na bigyan kaming mga artista ng trabaho para makabawi at makaipon kami ulit,” masayang wika niya.

Sakaling kontrabida role ang ibigay kay Zara, okay lang ba sa kanya? “Okay din po ako sa kontrabida, hindi pa po ako nakatatanggap ng ganyang role kaya kung ‘yun po ang ibibigay sa akin ay very challenging po ‘yun… I will do my best na galingan ko, lalo na at first project ko po sa kanila ito,” sagot niya.

Bukod sa showbiz, ang focus ni Zara ay sa business niyang Sweet Reece’s na mayroong peanut butter (lite), peanut butter (regular), at yema spread. Plus Chichapop na ang flavors ay cheese, barbecue, at sweet corn.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …