Saturday , November 16 2024

UP umalma sa red-tagging ni Duterte

UMALMA ang University of the Philippines (UP) community sa red-tagging na ginawa laban sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi.

Inakusahan ni Pangulong Duterte na walang ginawa kundi mag-recruit ng mga komunista kaya binantaan niyang tatanggalan ng pondo.

Sinabi ni Anakbayan UP Diliman Spokesperson Ajay Lagrimas, inilantad ni Pangulong Duterte ang sarili bilang pasista at walang intensiyon na magsilbi sa bayan.

Inamin ni Presidential Spokesman Harry Roque na nalito ang Pangulo at inakalang mula sa UP ang hirit na academic break pero ito’y galing saAteneo de Manila University.

Giit ng Anakbayan, ang pag-atake ni Pangulong Duterte sa lehitimong panawagan ng mga estudyante gamit ang walang basehang mga akusasyon ay isang pagtatangka upang patahimikin ang lumalakas na pagkontra sa kanya.

Nauna rito’y tinawag na mga ‘loko-loko’ ni Roque ang mga estudyanteng aktibista na nagpoprotesta laban sa ‘criminally neglectful response’ ng national government sa tatlong magkakasunod na bagyo at CoVid-19 pandemic sa pangkalahatan.

Isinumbong ni Roque kay Pangulong Duterte ang aniya’y mga estudyanteng ‘loko-loko’ na nagpoprotesta sa pamamagitan ng hindi pagsusumite ng academic requirements hanggang hindi natutulungan ang mga biktima ng bagyo.

“Sir, ‘yung mga estudyante po na loko-loko na ayaw pumasok. Nagpoprotesta, hindi raw sila magsa-submit ng academic requirements hanggang hindi raw natutulungan ang mga biktima ng typhoon. Iyon po ‘yung sinasabi nila,” ani Roque kay Pangulong Duterte sa televised public address kagabi .

Sa isang kalatas kamakailan ay nangako ang mga estudyante ng Ateneo na simula sa 18 Nobyembre 2020 ay hindi sila magsusumite ng anumang school requirements hanggang hindi tumatalima ang national government sa kahilingan ng mga mamamayan na sapat na ayuda sa kalamidad at tugon sa pandemya.

Ngunit tila hindi alam ng Pangulo na mga estudyante ng Ateneo ang tinukoy ni Roque at ang UP ang kanyang binantaan na tatanggalan ng pondo.

“You are taking the cudgels of the poor ahead of your time. That is not your worry, that is the worry of government. Kami, sabi ko, nagtatrabaho kami. Government workers kami. Anong silbi namin dito? Mag-upo lang kung ‘di gumalaw para sa tao. At ‘yung ganoon mga — huwag kayong pumasok… I’d suggest to you stop schooling until mabakunahan lahat ng Filipino,” anang Pangulo.

“You resume your duty and you wait for another typhoon and see if the help that we extend is enough to your satisfaction. Bantayan na lang ninyo ‘yung mga bagyong darating at tingnan ninyo ‘yung mga nangangailangan ng tulong na hindi natulungan, then you protest again,” aniya.

“Stop schooling. That will save money for your parents. Better make use of your time anywhere. Sige. Iyong mga eskuwelahan, UP? Fine. Maghinto kayo ng aral. I will stop the funding. Nandiyan ‘yan wala na ginawa itong ano kung ‘di mag-recruit ng mga komunista riyan,” giit ng Pangulo.

“Tapos nag-aaral kayo ang gusto ninyong binibira ang gobyerno. Masyado namang napakasuwerte kayo. Huwag talaga kayong matakot — manakot rather kasi I will oblige you,” babala ng Pangulo.

Nauna nang tinabla ng Palasyo ang hirit ni Kabataan partylist Rep. Sarah Elago na magdeklara ng nationwide academic break bunsod ng CoVid-19 pandemic at kalamidad dulot ng magkakasunod na bagyo.

Ikinatuwiran ni Roque, walang masyadong epekto ang kalamidad sa mga eskuwelahan dahil modular ang primary mode of instruction at walang face to face classes.

Habang ang CHED ay nagkaroon aniya ng en banc meeting at nagpasya na hindi papayagan ang academic break bagkus ay palawigin ang semester ng isa hanggang dalawang linggo upang mapunan ang mga araw na walang klase dahil sa mga bagyo. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *