MANANAKOT at mag-e-entertain muli. Ito ang iisang nasabi ng apat na director na maglalahad ng iba’t ibang istorya sa Kagat ng Dilim na handog ng Viva, SariSari, Cignal TV, at TV5 simula Nobyembre 27, 9:30 p.m.. Kaya asahan na ang iba’t ibang klaseng kaba kada linggo mula sa Kagat ng Dilim.
Taong 2000, unang nanakot ang horror anthology na Kagat ng Dilim. At makalipas ang 20 taon, mararanasan muli ng mga Pinoy ang kilabot sa mga bagong kuwento na ihahatid ng mga new breed critically acclaimed directors.
Ang apat na director na tinutukoy namin ay sina Richard Somes, Lawrence Farjardo, Rae Red, at Paul Basinilio.
Sa pagbabalik ng Kagat ng Dilim mas nakakatakot ba ito kompara noong 2000?
Sagot ni Direk Richard, walang ipinagkaiba sa pananakot. Pero, “What is exciting now are the four (4) directors na sure these directors has a lot of different concepts, styles, and visual language.”
Paliwanag pa ng director ng Yanggaw, Cry No Fear, at Corazon: Unang Aswang, “I think that will set Kagat ng Dilim 2020 apart from the KD original. Given pa naman na we have a lot of equipment and techniques and all.
“And also imagine sa mga director na ito nasa middle of pandemic pa pero they all came out which is very fresh and strong na magke-cater din sa mga audience na really hoping and asking to have of what a TV really series like this for the longest time. I think ‘yun ‘yung magandang nangyari ngayon sa ‘KD.’
“And what’s amazing about this and what’s amazing about bringing up ‘Kagat ng Dilim’ again, because two decades ago, I was the original part of the ‘Kagat ng Dilim.’ So I was Erik Matti’s production designer for the long run ng ‘KD’ and at the same time I contribute some of the stories and writing scripts for this.”
“I don’t see any difference now, because I think the creative people who are behind this stories now that we are doing, they did an excellent job on drafting scripts and creating scripts which is very much true to form of what ‘Kagat ng Dilim’ is before,” giit pa ni Direk Richard.
Para kay Direk Paul (director ng Tabi Po, at mga concert na This 15 Me, 24/SG The Cr3w) naman, “ I think, 20 years ago iba rin ang environment and landscape ng Filipino, kagaya ngayon we’re into social media na. I think by having this, marami tayong nakikita sa ibang platforms, iba na rin ‘yung atake sa pananakot. It’s really more on lock-in to the story telling of Filipino culture, I think. And then ‘yung style ng bawat director na kasama rito magbibigay ng bagong flavor na ating ipalalabas ngayon.
Sinabi naman ni Direk Law (director ng Imbisibol, Kultado, Class 3 Has a Secret, The Stranger), sa technical na usapin nagkakaiba. “Siguro ‘yung technical. Nagbabago kasi ‘yung style ng pagkukuwento ang technical sa paggawa ng ‘KD’ ay nag-iiba na rin. Walang nagbago. I guess nire-refresh lang ang kuwento palagi. Ang bottomline riyan eh nandito para mag-entertain at para manakot.”
Para kay Direk Rae, (director ng Babae at Baril, Si Cheding at Si Apple) “We didn’t want to separate too much din sa dating version kasi nga maganda na rin ‘yung dati.
“Pero siguro ‘yung ginawa namin ngayon eh mas modern siya, siguro of fears ng mga tao, may fears na rin of the city. Kung ‘yung dati small town ang stories, ngayon hinahaluan na namin ng technology, fear of technology. Mga pang-araw-araw na kinatatakutan natin sa trabaho, sa pera. Pero at the core of it ‘yung mga Filipino folklore pa rin kasi ‘yun naman talaga ang nagpapa-unique sa mga Filipino horror stories.
“It’s the combination of technology and modern improvements along with that old classic folklore ‘yung magpapa-iba.”
Iba’t ibang nakakikilabot na mga kuwento linggo-linggo ang mapapanood sa Kagat ng Dilim na bawat episodes ay magpapakita ng mga kuwentong bayan, alamat, urban legends at mga nilalang na Pinoy na Pinoy.
Nariyan ang Hukay ni Cristine Reyes na nang mapapadpad sa bayan ng San Malverde ay nakadiskubre ng isang underground tunnel na sinasabing daan patungong impyerno; Binabahayan ni Nathalie Hart na nakapagbukas ng isang kuwartong naglalaman ng rebulto na pinagmulan ng matinding kalbaryo; 14th Floor ni Kim Molina na sa paglipat ng bagong kompanya ay napansing walang 13th floor dahil sa paniwalang malas ang numerong ito. Hindi magtatagal ay makararanas siya ng nakatatakot na pangyayari nang paulit-ulit na parang wala siyang kawala.
Nariyan din ang Hinagpis nina Ella Cruz at Rubi Ruiz na ukol sa demonic possession; Kakambal ni Matteo Guidicelli, isang istorya ng doppelganger; Ukay Ukay ni Meg Imperial na ukol sa gamit ng patay na binili at may malagim na nangyari; Manika nina Mark Anthony Fernandez at Maui Taylor ang mag-asawang namatayan ng anak na nahumaling sa manika ng anak; ang Taglugar ni Cindy Miranda, isang kasambahay na pinagbintangang pumatay sa kanyang amo; Pugot ni Diego Loyzaga na nang makitang walang ulo ang girlfriend ay nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon.
Sina Mccoy de Leon, Julian Trono, Carlyn Ocampo, at Aubrey Caraan ang magbibida sa Toktok, isang grupo ng mga dancer na nagtungo sa kagubatan na nang makauwi ay isa-isang namamatay; Sabel ni Louise Delos Reyes, isang babaeng pinaniniwalaang namatay noon 1979 ang nagbalik; Pagpag ni Jerald Napoles na matapos magtungo sa isang lamay ay nakasalubong ng isang nakakikilabot na pangyayari; at Salakay ni Gardo Versoza na hango sa alamat ng Umalagad, ang espiritu ng mga sinaunang tao na bantay ng kalikasan.
Kaya huwag palampasin ang Kagat ng Dilim na may magagandang kuwento mula sa mahuhusay na director. Tutukan ito tuwing Biyernes, 9:30 ng gabi, simula Nobyembre 27 sa TV5.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio