SINISIMULAN na ang pagpapatayo ng museum ni Dolphy sa Calatagan, Batangas. Ito ay base sa FB post ni Eric Quizon last week.
Post ni Eric: On this site will rise my Dad’s museum and will house his brood. With this endeavor, we, the Quizons will preserve his legacy and it will be open for all Filipinos and the world to see. Thank you Xceed Realty and Development, headed by Dom and Mercy Villanueva for making this possible. The Quizons will forever be grateful. Special shout out to @zsazsapadilla for being there always. Thank you Zsa!! #dolphymanor #xceedrealtyanddevelopment #calatagan #batangas
Pinangunahan nina Eric at Zsa Zsa Padilla ang ground breaking at ribbon cutting ceremony nito na tatawaging Dolphyville Manor.
Sa pagkakatanda namin, more than three years ago ay naibalita na itong gagawing museum ni Mang Dolphy. Mabuti naman at finally ay maisasakatuparan na ang pagkakaroon ng museum ng King of Comedy.
Si Mang Dolphy ay isang institusyon at haligi ng showbiz. Siya ay pumanaw noong July 10, 2012, sa gulang na 83, 15 days bago ang kanyang 84th birthday.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio