Thursday , December 26 2024

Dapat sports lang walang politikahan

HINDI magkamayaw noon ang mga Filipino dahil sa tagumpay ng pagdaraos ng SEA games sa ating bansa at pagiging kampeon ng ating mga atleta sa naturang sports kompetisyon matapos ang 14 taon.

Sa pagdaraos ng SEA games, naipagawa ang Rizal Memorial Coliseum na ilang dekada nang napabayaan.

Hinangaan din ng marami maging ng mga delegado mula sa ibang bansa mula Southeast Asia ang pagtatatag ng Clark City Athletics Stadium & Aquatics Center, at ang Athletes Village dahil sa world-class nitong kalidad.

Nitong Hunyo 2020, naisabatas ang panukalang magtatayo ng National Academy of Sports, isang specialized high school para sa mga naglalayong maging mahusay na atleta sa susunod na mga taon. Siguradong magagamit ng mga estudyante ang mga pasilidad sa New Clark City.

Makikita nating may plano talaga ang administrasyong Duterte para paunlarin ang larangan ng sports at para sa mga atleta.

Pero sa kabila ng lahat ng magagandang nangyari noong nakaraang taon sa larangan ng sports, hindi pa rin matigil ang ibang mga grupo sa paghahanap ng maipupukol na pintas sa mga taong nagtatrabaho para matulungan ang Pangulo sa kanyang mga gustong ipatupad para sa atleta at kabataang Filipino.

Para sa ordinaryong kabataan, ang magagandang balitang tulad nito ay nagbibigay ng pag-asa para sa kanilang kinabukasan. Ang dating mga pipitsuging basketball court at iba pang sports facilities ay nagbagong anyo.

Sabi nga ng iba: “Puwede naman palang magdaos ng mga world-class events at magpatayo ng pasilidad na maaaring ipagmalaki at magamit ng mas maraming atleta.”

E kung kaya pala, bakit hindi ginawa ng mga nakaraang administrasyon?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Hataw Tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *