Thursday , May 8 2025

Eleksiyon sa Amerika wa epek sa PH (VFA extended hanggang Hunyo 2021)

WALANG mababago sa relasyon ng Filipinas sa Amerika kahit sino ang manalo kina Donald Trump at Joe Biden sa katatapos na US presidential elections.

“You see the state department ensures continuity as far as US foreign policy is concerned. So we don’t expect any major changes on the bilateral relations between the Philippines and the United States,” ayon kay presidential spokesman Harry Roque sa panayam sa CNN Philippines kahapon ng umaga.

Hindi aniya maiaalis ang isyu ng personal na relasyon pero sa paglipas ng panahon ay siguradong makabubuo ng maayos na relasyon si Pangulong Rodrigo Duterte sinoman ang magwagi sa halalan sa Amerika.

“Of course, there’s an issue of personal relations but I think, given time, the president can establish warm, personal relations with whoever wins this election,” sabi ni Roque.

Hindi umano minamadali ni Pangulong Duterte ang pagtuldok sa Visiting Forces Agreement (VFA) at posibleng tumagal pa ang bisa nito hanggang Hunyo 2021.

“That has the option of being further extended by another six months. So, my thinking is, perhaps the president will invoke the second six month time to finally abboragte the VFA,” ani Roque.

“Anyway, what I’m saying is there’s no immediate rush for the president to decide because the notification we sent to the Americans gives them at least one year leeway before it is abrogated,” paliwanag niya.

Matatandaang inianunsiyo ni Pangulong Duterte noong nakalipas na Pebrero ang balak na pagbasura sa VFA matapos kanselahin ng Amerika ang US visa ni dating PNP chief at ngayo’y Sen. Ronald “Bato” dela Rosa.

Si Dela Rosa bilang hepe ng PNP mula 2016-2018 ang nagpatupad ng madugong drug war ng administrasyong Duterte at binatikos maging ng international community dahil sa extrajudicial killings (EJK).

Itinuturing ni Pangulong Duterte na paglabag sa soberanya ng bansa ang nasabing hakbang ng US laban kay Bato pati ang resolusyon na ipinasa ng ilang US senators na nagbabawal makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Philippine government na nasa likod nang pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Dahil dito’y  pinagbawalan din ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na magpunta sa Amerika. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Blind Item, Gay For Pay Money

Principal, faculty president nagkompirma ng payout para sa Marikina public school teachers

KINOMPIRMA ng isang principal at faculty president ang payout sa Marikina City public school teachers …

Marikina

Tao ni Quimbo, nagsampa ng kaso vs Teodoro

TAO at masugid na tagasuporta ni Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo ang nagsampa ng …

George Royeca Vince Dizon DoTr Angkasangga Partylist

MC taxis pinayagan nang mag-operate ng DOTR

PINAGBIGYAN ng Department of Transportation (DOTr) ang kahilingan ni Angkasangga Partylist first nominee at transport …

Makati Taguig

EMBO gov’t owned facilities muling iginawad sa Taguig LGU
TRO laban sa Makati LGU desisyon ng RTC

NAGLABAS ang Taguig Regional Trial Court (RTC) ng  temporary restraining order (TRO) na nag-uutos sa …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Kiko isinusulong murang pagkain para sa mga Pinoy

RATED Rni Rommel Gonzales MADAMDAMIN ang naging pahayag ni Sharon Cuneta sa sinabi niyang, “Now, sa dami …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *