Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika Santiago, nag-eenjoy sa vlogging      

AMINADO ang Kapuso teen actress na si Angelika Santiago na nag-e-enjoy siya sa pagba-vlog.

Napanood namin ang ginawang vlog/prank nina Angelika at ng BFF niyang si Elijah Alejo sa tita ng una at okay ang tandem dito ng dalawang teen actress na bahagi ng top rating TV series ng GMA-7 na Prima Donnas. Dito, kunwari’y nag-aaway at nagtatalakan sila dahil binuhusan ni Angelika si Elijah ng arina sa mukha habang natutulog.

 

Kailan siya nag-start mag-vlog at gaano siya nag-e-enjoy dito?

 

Tugon ni Angelika, “More than one year na po ako nagba-vlog, last year ng summer po ako nag-start, around May po. Enjoy po ako nang sobra! As in, lalo na po kapag nag-e-edit. Super enjoy po talaga ako, kahit sa school po kasi ay nag-e-edit ako, kaya medyo madali na lang po sa akin.”

 

First prank ba nila ito together ni Elijah? “Yes po, first prank po namin together and more pranks pa po, hehehe,” saad ni Angelika.

 

Kasabwat nila ang mom at dad ni Angelika sa prank, kaya inusisa namin kung ano ang reaction ng parents niya nang sabihin niya ang plano nila ni Eli (nickname ni Elijah)?

 

Tumawa muna si Angelika bago sumagot, “Actually si papa nagdadalawang isip, kasi po parang matatawa lang siya, na baka raw po mag-fail ang prank namin. Kaya natuwa lang po si mama, ‘tsaka si papa sa nangyari, hahaha!”

 

Ano ang balak nila ni Eli na next na i-vlog? “Super dami po talagang pranks na plano namin, kaso bawal nga po kaming lumabas dahil sa pandemic,” aniya pa.

 

Nabanggit din ni Angelika ang usual na laman ng kanyang vlog. “Yung vlogs ko po more on lifestyle po like as an artist po and student. May mga fashion and beauty po, basta mixed content po for now. Sa susunod po secret lang muna hehe basta marami pa po kaming pasabog ni Eli sa Youtube Channels namin.”

 

Ano ang dapat gawin ng gustong mag-subscribe sa kanyang vlog?

 

Wika ni Angelika, “Sa mga gusto pong mag-subscribe, click this link lang po https://www.youtube.com/channel/UCNVq5GpsKV74wHySprVCr0A.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …