Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gari Escobar, gaya-gaya sa idol na si Rico J. Puno?

NAGING matagumpay ang unang digital concert ng prolific singer/songwriter na si Gari Escobar na pinamagatang Gari Escobar Live! My Life! My Music! na ginanap last October 18.

 

Masayang kuwento niya sa amin, “Ang ganda po ng feedback ng mga nanood kuya, kapag binasa mo isa-isa, nakakatuwa.”

 

Pahabol pa ni Gari, “Dati kapag nagso-show ako ay nerbiyos po ang nararamdaman ko. Pero this time ay nawala na po ‘yun, masaya po ako sa buong oras ng concert kong ito. Pasasalamat po ang naramdaman ko, pasasalamat sa Diyos at sa mga tumulong po sa akin sa first digital concert ko po na ito.

 

“Kaya very happy po ako, kaya natabunan po ang kaba at takot. First time po na kumanta ako na hindi sumakit ang tiyan ko dahil sa stress. Dati po after ko kumanta, sobrang sakit ng tiyan ko. Pero noong concert ko po ay wala ‘yun, kaya nakadagdag ng joy ito sa akin,” masayang dagdag ni Gari.

 

Since idol niya si Rico J. Puno, may kinanta ba siyang song ng The Total Entertainer sa kanyang concert? Tugon niya, “Wala po, pero ‘yung kung paano siya kumanta, iyong yumuyuko… nagagawa ko po iyon. Hehehe.”

 

Sinasadya niya ba ang mannerism ni Rico o kusa lang itong lumalabas dahil idol niya ito? “Opo, idol ko talaga siya, pero kusa lang po itong lumalabas,” aniya.

 

Paano kung intrigahin siyang gaya-gaya kay Rico J? “Hahaha! Si Bruno Mars nga po inaamin niya na ginagaya niya si Michael Jackson dahil idol niya po. Si Lady Gaga inamin niya rin na noong nag-uumpisa siya ay ginagaya rin niya si Madonna dahil idol niya po.

 

“So, kung intrigahin po akong gaya-gaya sa idol kong si Rico J., okay lang po iyon sa akin. Sa umpisa lang naman po iyong ganyan, darating po ang time na lalabas din ang sarili kong style, sariling brand,” nakangiting saad ni Gari.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …