Saturday , April 26 2025

‘Red-tagging’ mas delikado kaysa Covid

ni ROSE NOVENARIO

MAS ikamamatay ng mga aktibista ang ‘red-tagging’ na ginagawa ng mga opisyal ng gobyerno kaysa coronavirus disease (CoVid-19), ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (Bayan).

Sinabi ni Bayan secretary-general Renato Reyes, Jr., kung tunay ang malasakit ni Presidential Spokesman Harry Roque sa mga aktibista na huwag magkaroon ng CoVid-19 sa inilunsad na kilos-protesta, dapat niyang ipatigil ang ‘red-tagging’ laban sa mga militante.

Sa inilunsad na rally kamakalawa ng umaga ng mga progresibong grupo, kinondena ang kalupitan ng estado kay Nasino, binatikos ang kabiguan ng rehimeng Duterte na suportahan ang mga magsasaka sa panahon ng pandemya, nanawagan na ibasura ang Anti-Terror Act at ipinanawagan ang hustisya para kay peace consultant Randy Echanis at Baby River, anak ni Nasino.

Sa virtual Palace press briefing kahapon, iginiit ni Roque na kinikilala ng Palasyo ang karapatan sa malayang pananalita na garantisado sa Konstitusyon ngunit ang panawagan niya sa mga aktibista, sumunod sa patakaran ng gobyerno na hanggang sampung katao lamang sa isang pagtitipon dahil ang inilunsad na kilos-protesta kamaka­lawa ay dinalohan ng libo-libong katao at ayaw umano ng pamahalaan na magkahawaan sila ng CoVid-19.

“Well, alam ninyo po ang karapatan ng malayang pananalita ay garantisado po ng ating Saligang Batas. Gayon­paman, ang aking pakiusap lang po, panahon po ng CoVid at kahit kayo po ay lumalaban at kalaban ng gobyerno, pinangangalagaan po namin ang inyong kalu­sugan. So ang pakiusap po, sundin natin, hanggang sampung tao lang po ang pagtitipon-tipon dahil ayaw po namin kayong magkasakit,” aniya.

Kahit aniya kontra sa gobyerno ang mga militanteng grupo, Filipino pa rin sila at obligasyon ng pamahalaan na iligtas mula sa sakit.

“Maski kayo po ay walang ginawa kung hindi labanan ang gobyerno, Filipino pa rin po kayo at may obligasyon pa rin kaming isalba kayo kung kayo’y magkakasakit. Make it easier for everyone po, huwag pong magtipon-tipon,” ani Roque.

Para kay Reyes, kaplastikan ang malasakit ng gobyerno na inihayag ni Roque para sa mga aktibista dahil kung lehitimo ito, dapat ay hindi pinaghiwalay ang mag-inang Reina Mae Nasino at anak na si Baby River, hindi sana dinakip ang jeepney drivers na nanawagan ng balik-pasada at ikinulong kaya nagka-COVID-19 sa kulungan at pinigil sana ang red-tagging sa mga aktibista na mapanganib sa kanilang buhay gaya ng pandemya.

“Dear Harry,

If you cared, hindi pinaghiwalay si Reina at River. Hindi sana inaresto ang mga aktibista para lang mahawa sila ng CoVid-19 sa kulungan If you cared, you would stop ‘red-tagging’ which threatens us as much as the pandemic. Baka mauna pa kaming mamatay sa kamay ninyo kaysa CoVid-19. Stop feigning concern. Ang plastic,” sabi ni Reyes sa kanyang Facebook post.

Kinondena nila ang sinabing mga pang-aabuso ng gobyerno partikular ang dinanas ng political prisoner na si Reina Mae Nasino. Binatikos nila ang kabiguan na umano’y masuportahan ang sektor ng mga magsasaka sa panahon ng pandemya. Ipinababasura nila ang Anti-Terror Law at ipinanawagan ang hustisya para kay Randy Echanis at Baby River, ang anak ni Nasino.

About Rose Novenario

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *