Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dance challenge ni Tiktok Superstar Karl Limpin, sikat sa ibang bansa

MULA sa pagiging sikat sa Tiktok, balak ding pasukin ni Karl Limpin, na may more than 500k followers sa Tiktok ang mundo ng showbiz.

At dalawa nga sa gusto nitong makapareha ay ang dance princess na sina AC Bonifacio at Jillian Ward.

“Si AC po kasi magaling sumayaw, kaparehas ko po na passion ang dancing. Kaya dream ko na makasama at makahatawan siya sa dance floor..

“Gandang-ganda naman po ako kay Jillian. Bukod pa sa magaling umarte, sana makatrabaho ko siya sa isang acting project.

“Sina Ac at Jillian ‘yung  maututuring ko pong showbiz crush ko at dream come true po sa akin kapag nakatrabaho ko sila,” ani Karl.

Kuwento pa ni Karl na sumikat siya sa Tiktok at nag-viral nang mag- pandemic dahil walang magawa. Nag-focus siya sa pagti-Tiktok at gumawa ng iba’t ibang dance challenge, hanggang sa nag-click ‘di lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Ito ‘yung That Boy Dougie.

“Since dancer po ako at mahilig sumayaw at mag-choreo, gumawa ako ng mga dance challenge sa Tiktok noong pandemic at may isa akong dance challenge na nag-click ‘yung ‘That Boy Dougie’ bale umabot siya sa ibang bansa.

“’Yung mga sikat sa Tiktok sa ibang bansa ginagawa na rin nila ‘yung dance challenge, roon po ako nag-start makilala ng mga tao. Bale almost 2 million na po ‘yung views ng dance challenge at 500K plus naman ‘yung gumawa ng dance challenge.

“At kahit po ang Bad Boy sa Dance Floor na si Mark Herras at ‘yung ibang mga sikat sa Tiktok sa Pilipinas ginawa na rin nila ‘yung ‘That Boy Dougie’ dance challenge.

“Dahil po roon nagkaroon po ako ng mga endorsement at kumikita na rin po ako kahit paano,” sambit pa ng Tiktokers.

Tuloy-tuloy pa rin ang pggawa ni Karl ng mga dance challenge habang pinagsasabay ang kanyang pag-aaral.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …