Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, happy sa pagbabalik-trabaho (matapos matengga ng ilang buwan)

HAPPY si Kim Rodriguez dahil pagkatapos ng ilang buwang nabakante sa trabaho, unti-unting dumarami ang proyektong dumarating sa kanya.

 

Ayon kay Kim, “Nakatutuwa po kasi after ilang buwan na wala talaga akong  proyekto dahil sa Pandemic Covid-19, eh heto at unti-unti nang dunarami ang proyekto ko.

 

“Simula po kasi nang pinayagan ulit mag-taping at mag- shooting natuloy na rin ‘yung mga projects ko na dapat noon pa namin ginawa, like ‘yung movie na sa wakas ay matutuloy na.

 

“Mayroon din akong mga guesting sa mga show ng GMA 7, kaya ang saya-saya lang kasi back to work na talaga ako.

 

“Hopefully sana magtuloy-tuloy na kasi nakaka-miss lang talaga na may trabaho lalo na’t sanay ako na laging may ginagawa. Siguro ang hindi ko lang magagawa ay ‘yung mag-show sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at ang paborito kong gawin, ang mag-travel abroad,” mahabang kuwento ni Kim.

 

Pati mga negosyo ng aktres ay unti-unti na ring nagbubukas. “Happy ako kasi unti-unti ng nagbubukas ‘yung mga business ko kasi lumalabas na kahit paano ‘yung mga tao, may extra income na, ilang buwan din kasi kaming sarado.

 

“Sana maging normal na ang lahat para mas gumanda na ang takbo ng mga negosyo sa Pilipinas,” saad pa ng aktres.

 

Bukod sa negosyo, guestings sa mga show ng Kapuso Network, at pelikula, makakasama rin siya sa bagong serye na malapit nang simulant sa GMA.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …