Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Daniel Padilla

Daniel, sa loyalty sa ABS-CBN — Nagbago ang buhay ko 360

AMINADO si Daniel Padilla na kinausap niya ang mga boss sa ABS-CBN para mag-offer ng tulong. Isa sina Daniel at Kathryn Bernardo sa agad na nagpahayag ng tulong sa kanilang network nang hindi ito bigyan ng prangkisa noon. At kung ang iba’y nagpapaalam para lumipat sa ibang network, mas pinili nilang mag-stay sa Kapamilya Network.

“Totoo po ‘yun. Unang-una, malaki ang utang na loob namin sa ABS-CBN. Malaki talaga lalo na sa akin personally. Ang buhay ko nagbago 360.

“Nagbago talaga. Nakakatulog ng maige ang pamilya ko ngayon dahil sa mga ibinigay na proyekto sa akin ng ABS-CBN. Hindi lang naman ito ang ibinigay sa akin ng ABS-CBN, siyempre ‘yung ibinigay nila sa akin tinrabaho ko ng maige. It’s a give and take,” paliwanag ng actor na matagumpay ang katatapos na ng digital concert kagabi, ang Apollo:A Daniel Padilla Digital Experience.

Sinabi pa ni Daniel na puwede silang makapaghintay ni Kathryn hanggang makabangon muli ang Kapamilya Network. “I can wait. Pwede akong maghintay. It’s not the end of me kapag lumipat na ako or something.”

“I can wait hanggang makabangon ang ABS dahil naniniwala ako na babangon tayong lahat dito. Hindi lang para sa aming mga artista kundi para sa lahat ng mga empleado na nawalan ng trabaho sa ABS-CBN. Kasama nila akong naghihintay.”

 At ngayong nasa A2Z na ang ABS-CBN, ”And now may balitang babalik na tayo, it’s good. Tayo ngayon trabahuhin nating mabuti para mabuhay muli ang ABS-CBN. ‘Yun lang ang sa amin. Kaya naming maghintay dahil iba rin naman ang tiwala at ibinigay na tiwala sa aminng ABS-CBN. Parang it’s the least na pwede naming gawin o ibigay sa network na tumangkilik sa amin.”

Samantala, mapapanood sina Daniel at Kathryn sa kanilang bagong seryeng, The Hows Arrest of Us.

“It’s an online show, a really really good show. Hindi ito sitcom, it’s different. It’s more of a series na may drama pero todo ang comedy.

“Hindi lang puro comedy, may mga sakit pa rin pero may mga nakakatawa kasi gusto naming i-offer ni Kathryn ngayon eh happiness, para kapag pinanood madadala hanggang sa pagtulog.

“Pero hindi mawawala ang sakit sa isang pamilya. Sana abangan natin,” giit pa ng actor.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …