Saturday , November 23 2024

Premium Films, Classics, Oscars Submissions, Tributes, tampok sa PPP4

MAHIGIT sa 100 pelikula ang ipalalabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magkakaroon ng kauna-unahang online na edisyon ngayong taon simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 15 sa bagong FDCP Online Channel.

 

Ang PPP4 ay isang omnibus project na pinangungunahan ng FDCP. Tampok nito ang mga pelikula mula sa mga lokal na film festival tulad ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, QCinema International Film Festival, Cinema One Originals Film Festival, Sinag Maynila Film Festival, CineFilipino Film Festival, ToFarm Film Festival, at Metro Manila Film Festival pati na rin mula sa iba’t ibang producer at regional film festival, ang PPP Retrospective, ang Lab portion ng Sine Kabataan Short Film Competition, at ang CineMarya Women’s Film Festival.

 

“This year’s PPP is a solidarity event that aims to encourage support for Philippine Cinema in light of the devastating effects of the COVID-19 pandemic. It aims to propagate the love for Filipino films among audiences and help sustain the country’s film industry that is gravely affected by the COVID-19 crisis. The FDCP is glad to announce that all proceeds will be given to producers involved in the festival through revenue sharing,” ani FDCP Chairperson at CEO Liza Diño. 

 

Ang mga section ng PPP4 ay ang Premium, Classics, PH Oscars Entries, Tributes, Romance, Youth and Family, Genre, Bahaghari, PPP Retro, Documentary, at From the Regions, kasama ang Sine Kabataan at CineMarya. Nagbigay ng bahagyang listahan ang FDCP noong inilabas nito ang PPP Early Bird Rate Festival Pass noong Setyembre 30.

 

Ang mga pelikula sa Premium section ay nagkaroon lamang ng limited release o hindi pa naipalalabas sa Pilipinas. Ang Premium Showcase lineup, kasama ang regional short films at iba pang karagdagang pelikula, ay ilalabas ng FDCP sa Oktubre 8 sa isang press conference.

 

Mga obra ng mga National Artist for Film ang kasama sa Classics section, at ang unang tatlong pelikula ay restored films ng Philippine Film Archive ng FDCP–White Slavery ni Lino BrockaGenghis Khan ni Manuel Conde; Manila by Night ni Ishmael Bernal; Balikbayan #1: Memories of Overdevelopment Redux VI ni Kidlat Tahimik; Ang Panday ni Fernando Poe, Jr..

 

Ang critically acclaimed films na ipinasa ng Pilipinas para sa Academy Awards Best Foreign Language Film ang kabilang sa PH Oscars Entries. Ito ay ang Ma’ Rosa ni Brillante Mendoza; Verdict ni Raymund Ribay Gutierrez; Sa Pusod ng Dagat ni Marilou Diaz-Abaya; Saranggola ni Gil Portes.

 

Ang Tributes section ay pagbibigay-pugay sa mga yumaong screen legends at haligi ng industriya–Death Row ni Joel Lamangan (para kay Eddie Garcia);  Adela ni Adolfo Alix, Jr. (para kay Anita Linda); Insiang ni Lino Brocka (para kay Mona Lisa); Muro-Ami ni Marilou Diaz-Abaya (para kay Marilou Diaz-Abaya); Filipinas ni Joel Lamangan (para kay Armida Siguion-Reyna); Sonata nina Peque Gallaga at Lore Reyes (para kay Peque Gallaga).

 

Kilig naman ang hatid ng Romance section na tiyak na paborito ng mga Filipinong manonood–Sakaling Hindi Makarating ni Ice Idanan; Moments of Love ni Mark Reyes; Ulan ni Irene Villamor; Never Not Love You ni Antoinette Jadaone; Kailangan Ko’y Ikaw ni Joyce Bernal; Una Kang Naging Akin ni Laurice Guillen; at Mga Mister ni Rosario ni Alpha Habon.

 

Mga pelikulang may kuwentong nakaaaliw o nakakabagbag-damdamin ang naman kasama sa Youth and Family section–Pepot Artista ni Clodualdo del Mundo, Jr.; Family History ni Michael V.; 1st Sem nina Dexter Hemedez at Allan IbañezEdward ni Thop Nazareno; at Dayo ni Robert Quilao.

 

Sa Genre section, mayroong action, horror, drama, mystery, thriller, science fiction, at historical biopic na pelikula–Alpha: The Right to Kill ni Brillante Mendoza; Instalado ni Jason Paul Laxamana; Abomination ni Yam Laranas; Dyamper ni Wes de Guzman; Jose Rizal ni Marilou Diaz-Abaya; El Presidente ni Mark Meily; at In Nomine Matris ni Wilfredo Manalang.

 

Hindi bababa sa limang LGBT-themed na pelikula ang tampok sa Bahaghari section–Akin ang Korona ni Zig Dulay; Billie and Emma ni Samantha Lee; Ned’s Project ni Lemuel Lorca; Ang Huling Cha Cha ni Anita ni Sigrid Andrea Bernardo; at Rainbow’s Sunset ni Joel Lamangan.

 

Pagbabalik-tanaw naman ang hatid ng PPP Retro dahil tampok dito ang ilang nakaraang PPP entries– Pauwi Na ni Paolo Villaluna; Gusto Kita with All My Hypothalamus ni Dwein Baltazar; Star na si Van Damme Stallone ni Randolph Longjas; Paglipay ni Zig Dulay; at Circa ni Adolfo Alix, Jr..

 

Sa kagustuhan ng FDCP na magbigay ng mas maraming oportunidad para sa Filipino documentary filmmaking, isinama ang Documentary section sa PPP4Nick and Chai nina Cha Escala at Wena Sanchez; Lugta Ke Tamama (Land from God) ni Kevin Piamonte; The Search for Weng-Weng ni Andrew Leavold; God Bliss our Home ni Nawruz Paguidopon; at Carving Thy Faith ni Hiyas Bagabaldo.

 

Sa From The Regions section, tampok ang feature-length films na may indigenous stories at kakaibang kuwento mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa–Tanabata’s Wife ni Charlson Ong; Ang Daan Patungong Kalimugtong ni Mes de Guzman; Baboy Halas (Wailings in the Forest) ni Bagane Fiola; Tu Pug Imatuy ni Arbi Barbarona; Magkakabaung ni Jason Paul Laxamana; Ari: My Life with a King ni Carlo Catu; Salvi: at Ang Pagpadayon ni TM Malones.

 

Para naman sa Sine Kabataan, ang youth-oriented filmmaking competition na ito ay tututok sa project development na ang mga napiling kuwento at konsepto ay mapapabilang sa Project Lab na gaganapin habang may PPP. Pagkatapos ng Lab, magkakaroon ng project pitching at ang mga nagwaging kuwento ay tatanggap ng production grant upang maipagpatuloy ang kani-kanilang proyekto. Para sa PPP screening, ang Sine Kabataan short films mula sa nakaraang mga edisyon ay ipalalabas, kasama ang mga sumusunod–Sa Unang Araw ng Pasukan ni Arjen Manlapig; Bato Bato Pik nina Lorys Plaza at Jaq Sanque; at Kalakalaro ni Rodson Suarez.

 

Ang CineMarya ng FDCP, na may pakikipagtulungan sa Department of the Interior and Local Government at Philippine Commission on Women, ay mayroong sariling PPP section ngayong taon. Magkakaroon ng premiere sa PPP4 ang final 12 na CineMarya short films–Daadaan Na (Her Walks) ni Julius Legoen Lumiqued; Super-Able ni Arjanmar H. Rebeta; Night Shift (Reverie) (Loud Voices) ni Mariel Joy S. Ong; Dalaginding na si Isang ni Kristinne Nigel Cenosin Santos; Noontime Drama (Tanghaling Tapat) ni Kim Rivera Timan;  Perfect ni Jochelle Casilad; Hakab ni Mel Rose Aguilar; Super Woman ni Angela  Francesca V. Andres; Winged Dreams to the Blue Heavens ni Maria Ena Aimee Lourdes Apostol Escasa; Binakol sa Dahon” ni Gary T. Tabanera; Ola ni Mijan Jumalon; at Adira ni Jorzheema Hamid.

 

May festival subscription options ang PPP4 gaya ng Full Run Pass (PHP 599) na magbibigay ng 16-day access sa Premium Selection films at events, free content, free panel sessions/workshops, calendar, at trailers. Ang Half Run Pass (PHP 299) ay magbibigay ng access sa short films library at full-length scheduled screenings para sa walong magkakasunod na araw habang ang Day Pass (PHP 99) ay magbibigay ng access sa short films library at full-length scheduled screenings para sa isang araw.

 

Ang Early Bird Rate para sa Full Run Pass, na may halagang PHP 450, ay mabibili hanggang Oktubre 15 lamang. Mayroon ding Free Pass na nagbibigay ng access sa calendar at free content. Simula Oktubre 16, magkakaroon ang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) ng 20% discount habang ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng 30% discount.

 

Inanunsiyo ng FDCP na maglalabas pa ito ng karagdagang pelikula para sa PPP4 lineup sa mga susunod na araw. Abangan ang updates sa mga karagdagang pelikula at iba pang kaganapan sa unang online na edisyon ng PPP.

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *