Monday , December 23 2024

Anti-China speech ni Duterte sa UN Gen Assembly palabas lang

HUNGKAG ang talum­pati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly na bahagi ng international law kaya’t hindi puwedeng balewalain ang tagumpay ng Filipinas laban sa China sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Ito’y kapag walang ginawang kongkretong aksiyon ang Pangulo upang isulong ang soberanya ng Filipinas , ayon sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Sinabi ng CPP, ang talumpati ng Pangulo sa UNGA ay mababaw at ginawa lamang upang sumakay sa lumalakas na sentimyento laban sa China bunsod ng pagtangging sumunod sa international agreements.

Giit ng CPP, malinaw na hindi titigil si Pangulong Duterte sa pagiging sunod-sunuran sa China at hindi rin maninindigan para sa soberanya ng Filipinas.

Dapat umanong panagutin ang rehimeng Duterte sa pagtataksil bunsod ng kabiguan na igiit ang sovereign rights alinsunod sa 2016 arbitral ruling, pagpapahintulot sa China na magtayo ng pitong military facility at pagpapayag na palawakin ang kapang­yarihan sa territorial seas ng Filipinas.

Binigyan diin ng CPP, dapat singilin si Duterte sa pakikipagsabwatan sa Chinese government at malalaking Chinese company sa pan­darambong sa likas na yaman ng Filipinas at pagpayag na makontrol nang husto ang ekono­miya ng bansa.

Matatandaan sa kanyang talumpati sa UNGA, inihayag ng Pangulo na alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea  (UNCLOS) at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration sa The Netherlands ang komitment ng Filipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Nagpasalamat siya sa iba pang mga bansa na sumusuporta sa arbitral victory ng Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *