Thursday , December 26 2024

Physical, social distancing ‘no more’ sa Manila Bay (Palasyo, IATF tameme, MPD-PS5 chief sinibak)

TIKOM ang bibig ng mga opisyal ng Palasyo at ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging infectious Diseases sa lantarang paglabag sa physical/social distancing ng daan-daan taong dumagsa sa Manila Bay ‘white sand beach’ sa Roxas Boulevard nitong Sabado at kahapon, Linggo.

Binatikos ng netizens ang isinagawang public viewing sa naturang proyekto para ipakita ang dinurog na dolomite rocks na inilagay bilang white sand sa baybayin ng Manila Bay dahil siksikan ang mga tao at hindi sila sinasaway ng mga pulis kahit wala nang umiral na social at physical distancing.

Sa mga regular Palace virtual press briefing ay paulit-ulit ang paalala ni Presidential Spokesman Harry Roque sa kahalagahan ng social distancing upang maiwasan ang pagkalat ng CoVid-19.

Gayondin ang madalas na mensahe ng Department of Health (DOH) at ng Department of Interior and Local Government (DILG) pawang miyembro ng IATF.

Pero hindi kumibo sina Roque, Health Secretary Francisco Duque III, at DILG Secretary Eduardo Año sa dalawang araw na ‘piyesta’ sa Manila Bay white sand beach.

Taliwas ito sa reaksiyon nila sa kilos-protesta ng mga nagugutom na residente ng Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-Asa mula sa Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SaMaNa) sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) noong 1 Abril 2020 dahil sa mabagal na ayuda ng pamahalaan, na marahas na binuwag ng mga pulis at dinakip ang 21 rallyista.

Hindi pa noon nagkasya sa pagdakip sa mga maralitang nagugu­tom, sa kanyang public address kinagabihan ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbabanta na ipababaril sa mga sundalo kapag inulit ang nasabing protesta.

“Huwag ninyo… Huwag ninyong subukan ang (F)ilipino. Do not try to test it. Alam mo we are ready for you. Gulo o barilan o patayan, I will not hesitate my soldiers to shoot you. I will not hesitate to order the police to arrest and detain you,” sabi noon ni Pangulong Duterte.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, e ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate. My orders are… sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead,” aniya.

“Naintindihan ninyo? Patay. E kaysa maggulo kayo diyan, e ‘di ilibing ko na kayo. A ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” giit ni Duterte.

(ROSE NOVENARIO)

MPD-PS5 CHIEF SINIBAK

SINIBAK ang hepe ng Manila Police District – Ermita Station (MPD-PS5) dahil hindi naipatupad ang ipinaiiral na social distancing guidelines ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) nang dumagsa ang mga tao sa Manila Bay upang maransaan ang kontrobersiyla na ‘white sand beach’ sa Manila Bay.

Ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, “He will be relieved of his position today for failing to enforce the minimum health standard particularly the one meter distancing.”

Nabatid na nabigo ang pamunuan ni MPD-PS5 commander P/Lt. Col. Ariel Caramoan na kontrolin ang mga dumagsang tao at hindi napatupad ang social distancing.

Ayon kay Año, “Dapat kahapon pa sila (MPD PS5) nag- impose ng strict measures para naiwasan ang ganyang pangyayari.

“Ang report sa akin ni Eleazar (P/Lt Gen Guillermo Eleazar, Joint Task Force CoVid Shields commander) na-relieve na, kasi kanina pa namin ‘yan pinag-uusapan.

Dahil dito, ipinag-utos kahapon ng DILG na magtalaga ng dagdag na pulis para magbantay at magpatupad ng physical distancing sa naturang lugar.

“Instructed MPD, to coordinate and discuss with Mayor Isko Moreno on how to establish rules, regulations protocols to ensure the observance of minimum health standards,” ayon sa kalihim.

Napag-alaman, magde-deploy din ng marshalls ang LGU para magbantay sa Manila Bay.

Bago ang pasilip sa ‘white sand area’ sa bahagi ng Manila Bay, mahigpit ang utos at pakiusap ni Mayor Isko na huwag kalimutan ang social distancing at ipatupad ang minimum health requirement.

Nabatid, ang pagbubukas sa publiko ng Manila Bay na naging kontrobersiyal ay tila inianunsiyo nang mailabas sa balita at mag-trending sa social media kamakailan kaya’t dinagsa ng publiko.

Ang lungsod ng Maynila ay kasalukuyang nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at nananawagan pa rin ng “stay at home” ngunit dinagsa pa rin ng publiko ang lugar.

Base sa impormasyon, posibleng ipasara muna ang naturang lugar upang maiwasan ang paglabag sa social distancing at hindi hindi pa rin umano ito pinapayagan  ng turismo.

“Secondly nag-warning na tayo sa public, after the warning the LGU Manila and the PNP can accost people who are violating we have so many laws… lahat ‘yan puwede mo i-implemnent.

“At this time kasi, we advise the public to stay at home, you will have your time makikita n’yo naman ang Manila Bay diyan, ipinakita naman sa TV, ‘pag dumaan ka sa sasakyan makikita mo naman. You don’t have to go there personally,” dagdag ng kalihim.

Sinabi ni Eleazar, maiiwasan aniya ang mga paglabag sa social distancing noong binuksan ang Manila Bay sa publiko kung nagkaroon sana ng maayos na koordinasyon.

Samantala, napag­alaman sa ating source sa MPD, ang nasibak na hepe ng MPD-PS5 ay hahalinhan ni P/Lt. Col. Alex Daniel na kasalu­kuyang hepe rin ng MPD D6 o Finance Division.

(BRIAN BILASANO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *