Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BB Gandanghari, may bagong hamon kay Piolo– magpakatotoo ka

PAGKATAPOS ng rebelasyon sa kanyang vlog na may namagitan sa kanila ni Piolo Pascual noong time na nasa America sila, sinasabihan si BB Gandanghari ng mga nagmamahal sa actor na ginagamit niya lang  ito.

 

Anang netizens, ginamit ni BB si Piolo para tumaas ang subscribers at viewers. Manahimik na lang daw si BB at huwag nang guluhin si Piolo na nananahimik.

 

Pero hindi nakinig si BB.

 

Sa bago niyang vlog noong September 9, muli siyang nagsalita tungkol kay Piolo.

 

Ayon sa dating si Rustom Padilla, hindi naman niya binibisto ang sexual orientation nito.

 

Sabi ni BB, “Kung nakikinig si Piolo, eto lang ang payo ko sa iyo Piolo. Piolo, I am not outing you. I am only speaking or talking about my experience.”

 

Pinayuhan pa ni BB si Piolo sa dapat nitong isagot kapag tinanong. Hindi raw maaaring pumagitna ito sa lahat ng pagkakataon at pahulain ang mga tao.

 

“Now, napakadaling sabihin na, ‘That was just an experience. I’m a man, I’m straight, man.’ Ang daling sabihin. Pwede mo rin sabihin na, ‘Yeah, maybe I’m gay.’

 

“But you can’t be… you can’t be in the middle all the time and make people guess and make people fight people, because people are insinuating who you are.”

 

Huwag daw hayaan ni Piolo na ma-define ang kanyang pagkatao sa ginawang revelations ni BB.

 

“I am not insinuating. I am merely stating an experience that will not define you… by the way, will not, will never define you. Huwag kang papayag. Ako na nagsasabi sa iyo, Piolo, don’t make that experience define you. So speak, if you can. And speak not of the past. Don’t even speak about Rustom. Speak of the now and who are you now and that will end everything. In other words, hindi ako ang mag-a-out sa iyo. Kahit anong sabihin ko ngayon, hindi iyan pag-a-out sa iyo, o sa kahit kaninong tao. Kasi kung anong sasabihin mo, ‘yun dapat ang paniwalaan ng tao, kaya dapat magpakatotoo ka, para makuha mo ang tiwala ng ibang tao.”

 

Well, kung makararating kay Piolo ang payo o hamon ni BB, pakingan niya kaya ito o mananatiling tahimik pa rin siya?

 

Pero para sa amin, huwag  na lang siyang magsalita. Kung magpapaliwanag pa kasi siya, baka lalo lang lumaki ang isyu, at magsalita na naman si BB tungkol sa kanya. Hayaan niya na lang na mamatay ang isyu sa kanila ng nakakatandang kapatid ni Robin Padilla.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …