Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pemberton pinalaya ni Duterte (Absolute pardon iginawad)

SILENCE means yes.

Matapos manahimik noong nakalipas na linggo sa desisyon ng hukom na palayain ang Amerikanong sundalong brutal na pumatay sa Filipino transgender sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA), ginulantang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong bansa nang pagkalooban ng absolute pardon si US serviceman Joseph Scott Pemberton, kahapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang ibig sabihin ng ibinigay na absolute pardon kay Pemberton, malaya na siya, puwede nang umuwi sa Amerika at wala nang isyu kung siya’y kalipikado sa GCTA dahil hindi siya nakulong sa National Penitentiary.

Aniya, binura ni Pangulong Duterte ang parusang dapat ipataw kay Pemberton pero ang conviction sa pagpatay kay Filipino transgender Jennifer Laude ay nananatili.

“Absolute pardon… ibig sabihin makalalaya na si Pemberton, wala nang isyu kung siya ay entitled sa GCTA, kung applicable ba ang batas dahil hindi siya nakulong sa National Penitentiary. Binura na po ni Presidente kung ano pa ang parusa na dapat ipataw kay Pemberton. Ang hindi po nabura ni presidente ay ang conviction ni Pemberton, mamamatay tao pa rin siya,” sabi ni Roque sa phone patch interview kahapon ng Palace reporters.

 

Giit ni Roque, hindi na kailangan ihayag ng Pangulo ang dahilan sa paggawad ng absolute pardon kay Pemberto dahil nasa kapangyarihan ito ng Presidente ng bansa alinsunod sa Saligang Batas.

 

“Hindi na po kailangang bigyan ng dahilan ni Presidente ‘yan, dahil ang pag-grant ng pardon at parole ay hindi tungkulin ng hudikatura kundi ng ehekutibo. ‘Yan po ay one of the most presidential of all presidential powers, the grant of pardon and parole,” paliwanag ni Roque.

 

Itinanggi ni Roque na may epekto ang desisyon sa sentimyentong anti-US ng Pangulo dahil hindi naman talaga siya kontra sa Amerika kundi nagsusulong lamang ng independent foreign policy.

“Hindi naman siya anti-US, para siya sa independent foreign policy, kaibigan ng lahat at walang kalaban,” ani Roque.

Noong nakalipas na Pebrero, galit na iniutos ni Pangulong Duterte ang pagbsura sa Visiting Forces Agreement (VFA) matapos kanselahin ng US ang visa ni Sen. Ronald dela Rosa.

Si Dela Rosa bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) mula 2016-2018 ang nagpatupad ng madugong drug war ng administrasyong Duterte at binatikos maging ng international community dahil sa extrajudicial killings (EJK).

Itinuturing ni Pangulong Duterte na paglabag sa soberanya ng bansa ang nasabing hakbang ng US laban kay Bato maging ang resolution na ipinasa ng ilang US senators na nagbabawal makapasok sa Amerika ang mga opisyal ng Philippine government na nasa likod ng pagpapakulong kay Sen. Leila de Lima.

Dahil dito’y pinagbawalan din ni Pangulong Duterte ang mga miyembro ng kanyang gabinete na magpunta sa Amerika. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …