Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Judge sablay sa paglaya ni Pemberton (mabuso sa kapangyarihan)

UMABUSO sa kanyang kapangyarihan ang hukom na naglabas ng desisyon para palayain ang US serviceman na pumatay sa Filipino transgender na si Jennifer Laude.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, wala sa kapangyarihan ni Olongapo Regional Trial Court Branch 74 Judge Judge Roline Ginez-Abalde para magpasya na palayain si Pemberton dahil nakompleto na umano ang 10-taong sentensiya base sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) at gumastos na rin ng ‘milyones’ bilang bayad-pinsala sa mga naulila ni Laude.

Ang pasya aniya ni Abalde ay taliwas sa rekomendasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) na hindi dapat binigyan ng allowance for good credit ang umano’y educational activity ni Pemberton habang siya  ay nakakulong.

Giit ni Roque, hindi pa puwedeng palayain si Pemberton dahil hindi pa pinal ang desisyon ni Ablade at maghahain ng motion for reconsideration ang Department of Justice (DOJ).

“Sa mga naghahawak po sa pagkatao ni Pemberton, hayaan ninyo naman, bigyan ninyo ng pagkakataon na mag-move for reconsideration ang Executive Branch dahil ang desisyon naman po on allowance for good conduct is an executive function. So iyong ginawa po ni Judge na siya na ang nagdesisyon kung paano niya bibigyan ng credit for good conduct is an instance of judicial overreach,” sabi ni Roque sa Palace virtual press briefing kahapon. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

44th Grand Marian Procession sa Intramuros sa 7 Disyembre

ni TEDDY BRUL INAASAHAN  na mahigit 100 imahen ng Birheng Maria mula sa iba’t ibang …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …