Monday , December 23 2024

Alyado itinatwa ni Duterte (May selective amnesia?)

MISTULANG nagkaroon ng ‘selective amnesia’ kamakalawa ng gabi si Pangulong Rodrigo Duterte nang itatwa ang mga kaalyadong tumulong sa kanya noong 2016 presidential elections dahil sa kasalukuyang isinusulong na revolutionary government.

Sa kanyang public address na iniere kahapon ng umaga, tahasang nilaglag ng Pangulo ang  kanyang masusugid na kaalyado matapos pangunahan ang inisyatiba sa pagtatatag ng revolutionary government para maikasa ang charter change (Cha-cha) upang isulong ang federalismo.

Dumistansiya si Pangulong Duterte sa grupong Peoples National Coalition for RevGov and Charter Change at ikinaila na kilala niya ang national deputy spokesperson na si Bobby Brillante maging ang Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) ni Atty. Francisco “Arlene” Buan.

Noong nakaraang linggo ay nagtipon ang mga miyembro ng mga nasabing mga grupo at isinapubliko ang adbokasiyang magtatag ng revolutionary government na pamumunuan umano ni Pangulong Duterte sa ilalim ng revolutionary constitution hanggang 31 Disyembre 2021 at saka magdaraos ng eleksiyon sa ilalim ng federal form of government alinsunod sa bagong amyendang Konstitusyon.

“Pero alam mo, marami ngayon may naglalabas — revolutionary government. Tapos ako ang sinasabi na… Wala akong pakialam niyan, wala akong kilala na mga tao na ‘yan at hindi ko ‘yan trabaho,” anang Pangulo.

Taliwas ang sinabi ng Pangulo sa dokumentadong pagdalo niya bilang guest of honor ng Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) National Convention na ginanap sa Cuneta Astrodome, Pasay City noong 21 Marso 2018.

Matutunghayan ang video ng pagtitipon sa https://rtvm.gov.ph/mayor-rodrigo-roa-duterte-national-executive-coordinating-committee-mrrd-necc-national-convention/

Sa press release ng Presidential News Desk (PND) para sa okasyon ay nakasaad na, “The MRRD -NECC is a volunteer organization that helped him win the presidency during the last election.”

“Kalimutan natin ‘yung mga partido-partido. Partnership na lang tayo. Kasi kung mag-ano tayo walang mangyari e… Tulungan na lang tayo,” anang Pangulo sa kanyang talumpati sa MRRD-NECC convention. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *