Saturday , November 16 2024

Panawagan ng Pamalakaya: Hustisya at reporma, para makamtan, Duterte resign

MAKAKAMIT lamang ang hustisya at reporma sa bansa kapag nagbitiw sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte  at palitan ng lider na may respeto sa demokrasya at may kakayahang tugunan ang mga hamon ng coronavirus disease (CoVid-19) pandemic.

Panawagan ito ng militanteng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), isa sa mga grupong lumahok sa paggunita kahapon ng Global Day of Action for Justice sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City.

“There will be no justice and reforms in the country if we tolerate this regime, thus, we should oust Duterte from power, and at present we, by the millions, should be demanding him to resign and let a leader who respects the pillars of democracy, and competent to respond to the pandemic situation take over,” sabi ni Fernando Hicap, lider ng Pamalakaya.

Ang nagaganap aniyang mass killings laban sa sibilyan, partikular sa hanay ng mga aktibista ay naging pambansang patakaran ng rehimeng Duterte na krimen laban sa sangkatauhan, ay dapat tutulan.

Binigyan diin ni Hicap na sa gitna ng mga isyu sa bansa dulot ng umano’y criminal negligence at incompetence ni Duterte, makakamit lamang ang  katarungan ng mga biktima kapag nawala sa poder ang Pangulo.

Giit ng Pamalakaya leader, nawala na sa sarili si Duterte at naghahasik na ng lagim sa buong bansa na umabot sa international community kaya’t iniimbestigahan na ng International Criminal Court bunsod ng “crimes against humanity.”

“Duterte has lost his mind and already wreaking terror all over the country. His notoriety even dominates the international community, and is under investigation by the International Criminal Court for his crimes against humanity,” dagdag ni Hicap.

Ginawa aniyang ‘legal’ ni Duterte ang pagpatay sa mga aktibista sa pamamagitan ng Executive Order No. 70 o ang “whole-of-nation approach to counter-insurgency” at pagbuo ng anti-communist National Task Force, Memorandum Order No. 32, ang “virtual order” para atakehin ang mga aktibista sa Negros, Samar, at Bicol region at ang kontrobersiyal na Republic Act No. 11479 o Anti-Terror Law.

Humulas na aniya ang bilang ng mga tagasuporta ni Duterte at ang natitira na lamang ay mga pasistang trolls sa social media.

“There is overwhelming social indicators that the Filipino people are fed up with his demagougery and useless antics,” ani Hicap.

Batay sa survey ng Social Weather Station, 45% ay jobless, aabot sa 80% ang nagsabing nasa “worse situation” kompara noong nakaraang taon, 86% ay stressed sanhi ng pandemic, at 51% ang natatakot na batikusin ang rehimen.

“These are all results of Duterte’s criminal negligence and incompetence, and preference to fascist rule, particularly appointing useless former military generals to civilan posts. We should put significance to the number of Filipinos who actually claim that Duterte is intolerant of criticism or dissent, as this means that half of the population already repudiate his useless speeches and see them as outright lies,” ayon sa Pamalakaya leader. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *