Friday , May 9 2025

OP engineer ipinakakastigo sa Palasyo (Sa ‘inhumane quarantine facility’)

TINIYAK ng Palasyo na iimbestigahan ang isang opisyal ng Office of the President dahil sa hindi makataong pagtrato sa dalawang empleyado na nagpositibo sa coronavirus disease (CoVid-19).

Isiniwalat ng HATAW, mahigit dalawang linggong inilagay sa tambakan ng Malacañang ang dalawang kawani mula sa Office of the President (OP) Engineering Office ng kanilang boss na si Edgardo Torres.

Nang pumutok sa media ang kalunos-lunos na sitwasyon ng dalawang OP employees na mahigit dalawang linggo nang nagtitiis sa pinaglagakan sa kanilang bodega cum tambakan ng mga construction materials at sirang gamit sa Palasyo ay nainis umano si Torres at pinaiimbestigahan pa ang mga tauhan kung sino ang nagligwak nito sa media.

Ipinauubaya ni Presidential Spokesman Harry Roque kay Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagsuheto kay Torres dahil siya ang boss ng OP.

“Kung totoo po na roon sila pina-quarantine, under inhumane conditions, siyempre po, I will call out the attention of Mr. Torres coursing it through the Executive Secretary dahil siya naman po kumbaga ang tumatayong boss ng Office of the President bukod kay Presidente siyempre. Asahan ninyo po iyan,” sabi ni Roque sa virtual press briefing kahapon.

Nabatid sa source sa OP na si Torres ay nakatakda umanong  magretiro noong nakalipas na Mayo dahil sa mandatory retirement age na 65 anyos ngunit binigyan ng ekstensiyon ang kanyang serbisyo ng isa umanong mataas na opisyal ng Palasyo na kanyang padrino.

“Dapat bago magretiro si Torres ay ma-lifestyle check dahil may balita na may bahay umano siya sa Baguio City at dito sa Metro Manila. Hindi biro ang halaga ng mga bahay sa Baguio City di ba?” anang isang OP employee. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Alden Richards Tom Cruise

Alden Richards sobra ang katuwaan nang makita si Tom Cruise  

MATABILni John Fontanilla KITANG-KITA ang katuwaan kay Alden Richards nang makaharap ng personal ang  Hollywood …

Yul Selvo

VM Yul Servo Nieto patok sa serbisyo at tapat sa tungkulin, tunay na alas ng Maynila!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA GITNA ng ingay ng politika at walang humpay na …

Bam Aquino Bimby

Bimby inendoso ang tiyuhin na si Bam Aquino

ISA pang miyembro ng pamilya Aquino ang nag-endoso sa kandidatura ni dating Senator at independent senatorial candidate Bam …

Maja Salvador Emojination Chammy Chad Kinis

Maja nagpa-sexy muna bago bumalik sa showbiz 

I-FLEXni Jun Nardo NAGBAWAS muna si Maja Salvador ng manas-manas bago tuluyang bumalik sa showbiz. …

050925 Hataw Frontpage

SENATORIAL CANDIDATE DANTE MARCOLETA #38, NANGUNA SA BARANGAY SURVEY;
Libo-libong Tagasuporta Dumagsa sa Miting de Avance sa Philippine Arena

Sa nalalapit na halalan sa 2025, nagsagawa ng engrandeng Miting de Avance si Senatorial candidate …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *