Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, host ng bagong noontime/game show ng Net 25

SA halos limang buwang pamamalagi sa kanyang bahay at pagtanggi sa mga proyektong inaalok kay Kitkat dahil sa takot sa Covid-19, lumabas na sa wakas ang komedyana at Beautederm ambassador para sa contract signing ng isang bagong noontime/game show na pagsasamahan nila ni Anjo Yllana.

Ani Kitkat nang makatsikahan namin kamakailan, “Five months and seven days din akong hindi lumabas ng bahay dahil sa takot kong madapuan ng Covid-19 lalo na ngayon na mas dumarami ang nahahawa.

 

“Kaya mas pinili ko muna na mag-stay na lang sa bahay at ‘wag tumanggap ng trabaho.

“Pero last August 10, lumabas na ako for contract signing ng bagong show ko pero in-assure ko ang safety protocols lagi.

“Eto kasi sarili kong show bigay na ni God. Alam kong ito ‘yung sign para lumabas. ‘Yung labas ko sa sunod sa studio lang lagi.

“Yung bagong show ko ay ‘Noontime/Game Show’ po sa Net 25, ako at si Anjo Yllana ang host. Sariling show po naming, ako ito at ako rin ang kakanta ng theme song, at mapapanood ito araw-araw.”

Sinabi pa ni Kitkat na, “Magpi-pictorial, magda-dryrun, at magti-taping na kami ng pang- teaser lang muna.”

 

Kuwento pa nito sa kanyang unang paglabas after five months, “Wah nahilo ako parang mahihimatay ako kahapon paglabas sa garahe at sakay kotse hahaha, ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

“Pero nilakasan ko na lang loob ko at inisip na sayang ‘yung proyekto kung tatanggihan ko dahil maganda ‘yung project bukod sa araw-araw siya at kami mismo ang host ni Anjo.”

At kahit lumabas na ito ay wala pang balak na pumunta ng mall o mamasyal si Kitkat, “Ayyyy hindi ko po keri ang lumabas ng bahay na walang kapararakan hahaha, takot ako.”

Mas gusto nitong manatili na lang ng bahay kaysa gumala at lalabas lang kapag may trabaho.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …